• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bayanihan 2 funds, naibigay at nagamit ng mga ahensiya ng pamahalaan- Sec. Roque

NAIBABA sa mga line agencies o ahensiya ng pamahalaan ang lahat ng P165 billion Bayanihan 2 law funds.

 

Tugon ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa naging pahayag ni Vice President Leni Robredo na nabigo ang pamahalaan na gamitin ang mahigit na P6 bilyong halaga ng Bayanihan 2 funds na napaso na nitong Hunyo 30.

 

“Lahat ng pondo ng Bayanihan 2 ay naibaba sa line agencies,” ayon kay Sec. Roque,

 

“They were given until July 15 to report back to the DBM how much were unspent, so we call on the Vice President to wait for this report before making conclusions,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa ulat, bukod kay Robredo ay sinabi naman ni Albay Rep. Edcel Lagman na sa kabila ng maraming pangangailangan ng mga Pilipino dulot ng pandemya, nabigo umano ang gobyerno na gamitin ang lahat ng pondo sa ilalim ng Bayanihan to Arise As One (Bayanihan 2) para matulungan ang mga nangangailangan.

 

Ipinunto ni Lagman na kulang na nga ang pondo ng gobyerno ay nabigo pa itong gastusin sa mga proyekto na makatutulong sa paglaban sa pandemya.

 

Naglaan ang Kongreso ng P165.5 bilyon sa ilalim ng Bayanihan 2 upang madagdagan ang panggastos sa mga proyekto at programa laban sa COVID-19 pandemic mula Setyembre 11, 2020 hanggang Disyembre 19, 2020.

 

Dahil malaking pondo pa ang hindi nagastos bago matapos ang 2020, nagpasa ang Kongreso ng panukala upang magamit pa ang pondo hanggang Hunyo 30, 2021.

 

Hindi umapela ang Malacañang na muling palawigin ang Bayanihan 2. (Daris Jose)

Other News
  • Sa sweet photo na pinost ni JULIA: GERALD, nilalait ng netizens dahil tumaba at tumatanda na

    NAG-SHARE uli si Julia Barretto sa kanyang IG post ng sweet photo nila ni Gerald Anderson, na kung saan nakatitig siya sa aktor.     May mga natuwang netizens dahil kitang-kita talaga na in love na in love sa isa’t-isa.  Meron din namang patuloy na nanglalait sa relasyon ng dalawa, pati ang hitsura ni Gerald […]

  • Alert Level 1 hanggang matapos termino ni Duterte

    Mananatili ang Pilipinas sa Alert Level 1 hanggang matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hun­yo 30, 2022, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.   Sinabi ni Duque na wala pang polisiya tungkol sa posibleng magpapatupad ng Alert Level 0 at pinag-aaralan pa rin ito sa ngayon.     Idinagdag ni Duque na […]

  • DepEd kinansela Face to Face classes sa tindi ng init, tigil-pasada

    INIUTOS ng Department of Education (DepEd) ang pagpapatupad ng asynchronous classes at distance learning sa lahat ng pampublikong paaralan kahapon Abril 29, Lunes, at Abril 30, Martes, bunsod ng nararanasang mainit na panahon at pagdaraos ng 3-araw nationwide transport strike. “In view of the latest heat index forecast of the Philippine Atmospheric, Geophysi­cal and Astronomical […]