Bayanihan 3 Relief Package Bill, pasado na sa 2nd reading – Cong. Tiangco
- Published on May 29, 2021
- by @peoplesbalita
MASAYANG inanunsyo ni Navotas Congressman John Rey Tiangco na pasado na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives ang “Bayanihan to Arise as One Act” o “Bayanihan 3 Relief Package Bill”.
Ayon kay Cong. Tiangco, bilang co-author ng panukalang batas na ito ay batid niya na maghatid ng ayuda sa bawat Pilipino at magpaabot ng kalinga at tulong sa mga sektor na higit na apektado ng pandemya gaya ng mga pinakamahihirap sa atin at mga nawalan ng trabaho.
Kung maisasabatas, ito’y nagtatakda ng ng Php 1,000 financial assistance o ayuda sa lahat ng 108 Million Filipinos, ano man ang estado sa buhay.
Nais din nitong palakasin ang kakayahan ng agri-fishery sector para sa seguridad ng pagkain sa buong bansa at iba pang mga programang pang-nutrisyon.
“May mga itinatakda din pong mga karagdagang suporta ang Bayanihan 3 bill para sa Basic Education katulad ng internet allowances for students and teachers, pension para sa retired military at personnel in uniform, mga libreng RT-PCR tests para sa mga OFWs at Seafarers, tulong sa mga LGU, at iba pang mga solusyon na tutugon sa mga hamong dala ng pandemya sa ating bansa” pahayag ni Cong. JRT.
“Ipagdasal po natin na maipasa ang Bayanihan 3 Act sa lalong madaling panahon”, dagdag niya. (Richard Mesa)
-
Submarine cable, solusyon sa problema sa kuryente sa Mindoro
ANG KONEKSYON ng Mindoro provinces sa grid sa pamamagitan ng submarine cable ang nakikitang “long-term solution” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanilang electricity supply concerns. Pinag-usapan kasi ni Pangulong Marcos sa San Jose, Occidental Mindoro ang “fastest at best solution” sa problema sa suplay ng kuryente sa Mindoro island provinces. […]
-
Excited na sa muling pagho-host ng ‘Family Feud’: DINGDONG, tahasang sinabi na gustong maka-trabaho sa teleserye si JO BERRY
MUKHANG excited ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa kanyang bagong show sa GMA-7, ang Family Feud. Kilala si Dingdong bilang isa sa mga mapagkakatiwalaang host ng Kapuso network at sa pagkakataong ito, sa isang game show naman nga. Nag-post si Dingdong sa kanyang Instagram account ng picture sa […]
-
SK Leaders in Pasig Pioneer First-Ever Youth-Led HPV Vaccination Drive in NCR
THE Sangguniang Kabataan (SK) of Barangay Pinagbuhatan made history as they spearheaded the first-ever youth-led city-wide immunization program against Human Papillomavirus (HPV) in Pasig City at Pinagbuhatan Elementary School. The initiative, titled “Kabataan Para Sa HPV-Free Pasig City,” marks a significant milestone in public health, by vaccinating around 300 girls aged 9 to 14 in […]