• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Bayanihan, Bakunahan 4’ target na mabakunahan ang mas marami pang seniors

NAKATAKDANG magdaos ang Pilipinas ng pang-apat na “Bayanihan, Bakunahan” sa Marso 7, target na mabakunahan nito ang mas marami pang senior citizens.

 

 

“Nag-announce na si (National Task Force Against Covid-19 Deputy Chief Implementer and testing czar) Secretary (Vince) Dizon, about the week of March 7 ang ating NVD (National Vaccination Days) 4, we are still finalizing concept,” ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje sa Laging Handa  public briefing.

 

 

Sinabi pa ni Cabotaje, pinuno rin ng National Vaccination Operations Center, ang pang-apat na “Bayanihan, Bakunahan” ay naglalayong makapagbakuna ng mas maraming lolo’t lola sa mga lugar na may mababang vaccine coverage.

 

 

Idagdag pa rito, palalakasin ng pamahalaan ang pagbabakuna para sa mga 12 hanggang 17 taong gulang, kabilang na doon sa mga hindi pa nakakatanggap ng kanilang primary vaccine series.

 

 

Sa third edition ng Bayanihan, Bakunahan, kapos sa target na 5 milyong vaccinees, mayroon lamang na 3.4 milyon ang nabakunahan sa buong nine-day drive.

 

 

Para sa March 7 run, wala pa namang target ang DoH dito.

 

 

“Iyong ating target ay iku-konsulta natin sa ating local na pamahalaan this coming week. Ano ba iyong kailangang taasan pa, lalung-lalo na iyong mabababa iyong vaccination coverage. So, we don’t have the target yet,” lahad nito.

 

 

Habang naghahanda ang gobyerno para sa Alert Level 1 shift, sinabi ni Cabotaje na “DOH would also maximize its existing strategies to ramp up the vaccination, including setting up jab centers in government offices and clinics at economic zones.”

 

 

Pumayag naman ang Catholic Church na gamitin ang mga simbahan bilang vaccination sites habang nagpapatuloy naman ang drive-thru at house-to-house vaccinations.

 

 

“As of February 25,” ang bansa ay nakapagbakuna na ng 63 milyong katao.

 

 

Samantala, plano naman ng pandemic task force na isama ang vaccination requirement bago ang isang lugar ay maaari ng ilagay sa ilalim ng Alert Level 1.

 

 

“Ang isang hina-highlight natin, na tinitingnan ng (Covid-19 Inter-Agency Task Force) IATF ay iyong pagdagdag ng requirement ng vaccination – 70 percent ang dapat vaccination rate ng area at saka 80 percent of the 85 percent total A2 (senior citizens) ay nabakunahan na kasi alam naman natin, sila ang most at risk, most vulnerable ,” aniya pa rin.

 

 

Kung ito aniya ang magiging basehan, naniniwala si Cabotaje na handa na ang Kalakhang Maynila at National Capital Region (NCR) dahil nakapagbakuna na ito ng 100% ng qualified population nito, kabilang na ang 91% na mga senior citizens.

 

 

“[Handa na po ang ating NCR mag-Alert Level 1 na kasama din ang Region CAR (Cordillera Administrative Region), Region I, Region II at saka Region III and IV-A (NCR is ready for Alert Level 1, including CAR, Regions I, II, III, and IV-A),” ayon kay Cabotaje. (Daris Jose)

Other News
  • P228.83-M pinsala idinulot ng Typhoon Bising sa agrikultura, imprastruktura

    Daan-daang milyong halaga na ang napipinsala ng bagyong Bising sa sektor ng agrikultura at sari-saring imprastruktura habang patuloy ang pagkilos nito papalabas ng Philippine area of responsibility, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).     Ngayong Biyernes, pumalo na sa 1,468 kabahayan ang napinsala sa Bicol at Eastern Visayas at CARAGA: […]

  • Ads March 28, 2023

  • Sa bonggang back-to-back episodes ng #SuperAte: Sen. IMEE, ipasisilip ang mga natunghayan sa pagbisita sa French capital

    DADALHIN ni Senadora Imee Marcos ang kanyang mga vlog followers sa isang Parisian adventure ngayong weekend sa super back-to-back episodes na kung saan ipasisilip niya ang katatapos lang na pagbisita niya sa French capital.  Una, binisita ni Sen. Imee ang sikat na Pére Lachaise Cemetery, na libingan ng ilan sa mga greatest thinkers at artists […]