• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bayanihan e-Konsulta ilulunsad muli ni ex-VP Robredo; mahigit 1,000 volunteers sumali na

MULING magbabalik ang Bayanihan e-Konsulta na sinimulan ni former Vice President Leni Robredo sa ilalim ng kanyang non-government organization na Angat Buhay NGO.

 

 

 

Ang Bayanihan e-Konsulta, na inilunsad ni Robredo bilang responde sa paglala ng pandemiya sa bansa, ay isang telecommunication medical service na nagbibigay ng libreng konsultasyon para sa mga pasyente at sa mga nahawaan ng COVID-19 sa tulong ng mga volunteer doctors.

 

 

 

“Dahil sa pagdami na naman ng COVID cases dito sa atin, magbubukas pong muli ang Bayanihan e-Konsulta,” inihayag ni Robredo sa kanyang Facebook page.

 

 

 

Mahigit 1,100 na Filipino na ang naghayag ng kagustuhan mag-volunteer, higit sa 50 non-medical at 40 medical volunteers na hinanap ng NGO nang buksan muli ang programa.

 

 

 

“In less than 20 minutes, 1,100 volunteers already signed up for the resumption of Bayanihan e-Konsulta. Thank you. The spirit of volunteerism is alive and well,” sinabi ng former president sa kanyang Twitter account.

 

 

Mananatiling nasa remote setup o work-from-home pa rin ang lahat ng volunteers. Nanawagan si Robredo sa lahat ng gustong sumali na siguraduhin na may sariling computer, at internet connection para sa e-konsulta.

 

 

Sa mga gustong sumali, maaring sagutan ang form na ito bit.ly/ABekonsulta, at ito naman kung ikaw ay isang medical volunteer bit.ly/ABekonsultadocs.

 

 

 

Unang inilunsad ang Bayanihan e-Konsulta noong April 2021 matapos tumaas muli ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa na nagresulta sa isa na namang lockdown sa Metro Manila at mga karatig lalawigan. (Daris Jose)

Other News
  • Ads January 12, 2023

  • MMDA: Sariling coding schemes puwedeng ipatupad ng mga LGUs

    SINABI ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kahit mayroon ng Metro Manila Traffic Code, ang mga lokal na pamahalaan ay maaari pa rin na magpatupad ng kanilang sariling regulasyon sa trapiko.       Isa na rito ang regulasyonsa coding scheme na nagbabawal sa mga sasakyan na dumaan sa mga pangunahing lansangan depende sa […]

  • Chinese computer hacker na nagtatrabaho sa isang online gaming hub, naaresto sa La Union

    NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese computer hacker na nagtatrabaho sa isang online gaming hub na dating sinalakay sa Porac, Pampanga noong nakaraang buwan.       Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ni BI fugitive search unit (FSU) kinilala ang dayuhan na si Lin Qiude, 40, na […]