• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BBM bigong humarap sa disqualification hearing

BIGONG makaharap sa pagdinig ng Commission on Elections First Division si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa tatlong ‘disqualification case’ na inihain laban sa kaniya upang mapigilang tumakbo sa 2022 Elections.

 

 

Kabilang sa mga dininig kahapon ay ang petisyon nina Bonifacio Ilagan, Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law (CARMMA), at ilang religious at youth rights advocates; petisyon ng Akbayan Citizens’ Action Party; at petisyon ng isang Abubakar Mangelen, nagpakilalang halal na chairman ng Partido Federal ng Pilipinas.

 

 

Unang sinabi ni Atty. Hanna Barcena, abogado ni Marcos, na hindi makadadalo sa Zoom hearing ang kaniyang kliyente dahil masama ang pakiramdam. Binigyan umano siya ng buong awtoridad para irepresenta si Marcos sa pagdinig.

 

 

Hindi naman ito kinagat ni Commissioner Rowena Guanzon na iginiit na kailangang magpakita mismo si Marcos sa Zoom video kahit na naka-quarantine siya. Nagbabala ang komisyuner na agad na isusumite na ang kaso para sa resolusyon ng walang panig ni Marcos kung hindi dadalo sa hearing ng walang iprinipresenta na medical certificate.

 

 

Dito umabot ng higit isang oras na paghihintay dahil sa kinailangan pang maghintay para sa medical certificate.  Nang ipresenta ng doktor ni Marcos, nakasaad dito na binisita siya ng manggagamot nitong Huwebes at may pamamaga sa kaniyang lalamunan, at nasa 37.8 degrees Celsius ang temperatura.

 

 

Ikinatwiran ng kampo ni Marcos na nalantad siya sa dalawang tao na nagpositibo sa COVID-19 kaya kinaila­ngan niya na mag-isolate.

 

 

Nang tanungin kung bakit hindi makaharap sa video kahit hindi magsalita, ikinatwiran ni Barcena na natatakot umano sila na maaaring maging dahilan si Marcos para makapagpakalat ng virus.

 

 

Dahil dito, inatasan ni Guanzon ang kampo ni Marcos na magsumite sa loob ng 24 na oras ng manipestasyon kasama ang kaniyang medical certificate habang ang kampo nina Ilagan at Akbayan ay inatasan na magsumite naman ng memoranda. Tuluyan namang gagawaran ng resolusyon ang petisyon ni Mangalen na hindi nakadalo sa pagdinig.

 

 

Ikinatwiran ng kampo ni Marcos na nalantad siya sa dalawang tao na nagpositibo sa COVID-19 kaya kinaila­ngan niya na mag-isolate.

 

 

Nang tanungin kung bakit hindi makaharap sa video kahit hindi magsalita, ikinatwiran ni Barcena na natatakot umano sila na maaaring maging dahilan si Marcos para makapagpakalat ng virus.

Other News
  • Grupo ng guro, hinimok ang DepEd na mag-hire ng 30,000 na mga bagong guro

    HINIMOK ng isang grupo ng mga guro ang DepEd na mag-hire ng 30,000 na mga bagong guro taun-taon sa susunod na limang taon.     Ito’y upang matugunan daw ang kakulangan ng mga pampublikong at pang-pribadong guro sa ating bansa.     Kung matatandaan, inihayag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na plano […]

  • GO INSIDE THE MAKING OF “SMILE” WITH NEW FEATURETTE FOR THE HORROR FILM

    EVIL has a brand new face in Paramount Pictures’ upcoming horror-thriller Smile.  Go behind-the-scenes with writer-director Parker Finn, star Sosie Bacon and the cast of Smile as they discuss the creation of the psychological terror in the newly released featurette “It’s Smiling at Me” which may viewed below:     YouTube: https://youtu.be/NaBbuNtm29w     About Smile      After witnessing […]

  • FIFA Trivia: 8 bansa lamang ang nagkampeon sa World Cup

    MULA nang magsimula ang unang torneo ng FIFA World Cup noong 1930 ay mayroong walong bansa lamang ang nagkampeon.     Pinangungunahan ito ng Brazil na mayroog limang championship, na sinundan ng Italy at Germany na kapwa mayroong tig apat na kampeonato.     Habang mayroong tig dalawang world cump titles ang Uruguay, Argentina at […]