• November 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BBM ipinag-utos ang pagpapaliban ng LRT fare increase

INAPRUBAHAN ng Department of Transportation (DOTr) ang pagtataas ng pamasahe sa Light Rail Transit Lines 1 & 2 (LRT 1 & 1) subalit ipinag-utos naman ni President Marcos na ipagpaliban muna ito.

 

 

Sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na pinayagan nila ang Light Manila Corp. (LRMC), na siyang namamahala sa operasyon ng LRT1, at ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na magkaron ng pagtaas ng pamasahe sa dalawang rail systems.

 

 

Ipinag-utos ni Marcos na magkaroon muna ng reassessment sa gagawing pagtataas ng pamasahe upang malaman kung paano maaapektuhan ang mga pasahero dahil na rin sa tumataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo.

 

 

Naitalang ang inflation rate sa bansa ay tumalon ng 14-year high na may 8.7 porsiento noong January at naging 8.6 porsiento noong Februay. Naitala naman na may 7.6 porsiento noong nakaraang March.

 

 

Inatasan ang DOTr na makipagusap sa National Economic Development Authority (NEDA) sa gagawing reassessment bago ipatupad ang pagtataas ng pasahe.

 

 

Ayon kay Bautista na hihintayin na lamang nila na matapos ang academic year bago nila ipatupad ito.

 

 

“We will work with the NEDA on this and after that we will report to the LRTA board, so it will take a few months, maybe,” sabi ni Bautista.

 

 

Sa isang pahayag naman ni undersecretary Cesar Chavez sinabi niya na gusto ng DOTr na magbigay na ng desisyon sa loob ng 2 buwan subalit kanyang rin inamin na depende ito sa kung gaano katagal ang magiging paguusap nila sa NEDA.

 

 

Dagdag ni Chavez na ang LRMC at LRTA ay kailangan ng magtaas ng pasahe upang makalikom ng karagdagang pondo para sa mga rehabilitation at upgrade ng rail lines na kanilang pinangagasiwaan.

 

 

Ang Panglinan-led LRMC ay may awtoridad sa ilalim ng concession agreement na magtaas ng pasahe kada ikalawang taon. Dahil dito ang LRMC ay naghain ng arbitration case laban sa pamahalaan dahil sa hindi nito pagpayag na magkaron ng fare adjustments simula noong 2016, 2018 at 2020 kung saan sila ay humingi ng P2.67 billion para sa kanilang compensation.

 

 

Sa kabilang dako naman, ang LRTA ay may projection na revenue growth na P114 million kada taon mula sa gagawing fare hikes. Gusto nilang gamitin ang 97 porsiento ng nasabing halaga para sa operating expenses upang mabawasan ang inaasahang deficit ng P8.5 billion ngayon taon.

 

 

Sa Metro Manila Transit Line 3 (MRT3), hindi pinayagan ng DOTr ang kanilang inihaing mungkahi na magkaron ng pagtataas sa pasahe dahil sa technical issues sapagkat ang pamunuan ng MRT 3 ay nabigong magkaron ng notice of public hearing sa tamang oras.

 

 

Simula pa noong 2015, ang LRT 1 & 2 ay nanatiling may P11 boarding fare at distance fare na P1 kada kilometro.  LASACMAR

Other News
  • HERBERT, baka manggulat na lang dahil bali-balitang tatakbong Senador sa partido nina LACSON at SOTTO

    LAHAT ng mga politiko na nakaupo ngayon sa puwesto ay nagsisimula nang maghanda for the elections next year.       Alam na natin kung sino ang mga nag-aambisyon na maging president at maging vice president.     Pati ‘yung mga inaasahan na tatakbong president na kyemeng hindi raw pero nagkalat naman ang tarpaulin all over […]

  • Posibleng pagtatrabaho ni PDu30 sa ilalim ng Marcos administration, no legal impediment- Malakanyang

    MAAARING magtrabaho si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ilalim ng papasok na administrasyon ni President-elect Bongbong Marcos Jr.       “There is no legal impediment in the event that the President accepts an offer to serve under the Executive branch in a Marcos administration,” ayon kay deputy Presidential Spokesperson Kris Ablan.       […]

  • Ads January 5, 2023