• November 9, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BBM pamumunuan ang Department of Agriculture

PAMUMUNUAN ni Presi­dent-elect Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) kasabay ng kanyang panunungkulan bilang Pangulo ng bansa sa unang bahagi ng kanyang administrasyon.

 

 

Si Marcos mismo ang nag-anunsyo sa kanyang hahawakang posisyon bago ang kanyang panunumpa bilang pangulo sa Hunyo 30.

 

 

Ipinahiwatig ni Marcos na pansamantala lamang ang gagawin niyang paghawak sa DA habang inihahanda ang departamento sa mga susunod na taon.

 

 

“I have decided to take on the portfolio of Secretary of Agriculture, at least for now… At least until we can re-organize the Department of Agriculture in a way that will make it ready for the next years to come,” ani Marcos sa isang press briefing.

Aminado si Marcos na malaki ang problema sa agrikultura kaya siya na muna ang hahawak sa DA.

 

 

Ayon pa sa incoming President, marami ang kailangang palitan at mga opisina na hindi nagagamit para mas maging kapaki-pakinabang pagkatapos ng pandemya.

 

 

Tiniyak din ni Marcos na magkakaroon ng “restructuring” sa DA.

 

 

“Marami tayong ka­ila­ngan palitan, iba’t ibang opisina na hindi na nagagamit na kailangang i-retool post-pandemic. We’re going back to basics and we will rebuild the value chain of agriculture,” ani Marcos.

 

 

Ipinunto rin ni Marcos na maraming mga prayoridad pagdating sa agrikultura lalo na ang pagpapataas ng produksiyon.

 

 

Nagbabala rin si Marcos na magkakaroon ng kakulangan sa pagkain sa mga susunod na panahon dahil sa mga nangyayari sa labas ng bansa na nakakaapekto sa suplay ng pagkain.

 

 

“There will be a shortage or increase in food prices in the next quarters that will come, simply because of outside forces that have been impacting upon food supply,” ani Marcos. (Daris Jose)

Other News
  • Nagpatibay para harapin ang matitinding pagsubok: MICHELLE at kapatid, naging biktima ng racism sa Amerika

    “PEOPLE don’t know that me and my sister, we were the only two Asians in Utah, so we were subject to a lot of racism.       “We live in a very small paper town in Utah. So they really didn’t understand Asian culture, didn’t understand why do I have values, why do I […]

  • PDu30, hindi papayagan na makapag-operate ang ABS-CBN

    IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi niya papayagan na mag-operate ang ABS-CBN kahit pa bigyan ng Kongreso ng bagong prangkisa ang Lopez-owned network.   Ang katwiran ng Pangulo, kailangan munang bayaran ng Lopezes ang kanilang buwis bago ipilit na makapag-operate.   Malaking kalokohan aniya na kaagad na payagan ng Kongreso ang network na […]

  • Taong 2022 target ng pagbubukas ng MRT 7

    Target ng conglomerate na San Miguel Corp. (SMC) na siyang nangagasiwa sa proyekto na buksan ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT 7) sa katapusan ng taong 2022.     “Given the progress today and all the major milestones we’re expecting this year and the next, I think we’re confident we can achieve […]