• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BBM-Sara UniTeam: Mga komunidad sa BARMM tulungan laban sa vaccine hesitancy

Nanawagan ang BBM-Sara UniTeam sa pamahalaan na paigtingin ang pagbabakuna sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at ayudahan ang mga komunidad nito upang matugunan ang pag-aalinlangan sa bakuna ng mga residente.

 

 

 

Naalarma sina Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at vice-presidential aspirant Sara Duterte sa mga ulat na ang BARMM ay ang may pinakamababang vaccination rate sa mga rehiyon sa bansa.

 

 

 

Ayon sa datos ng National Task Force Against COVID-19, nitong November 14, mayroon nang 324,246 na indibidwal ang ganap nang nabakunahan sa BARMM.  Katumbas ito ng 7.59 porsiyento ng tinatayang 4.7 milyon ng dapat na mabakunahang populasyon sa rehiyon.

 

 

 

Nabanggit pa sa mga ulat na mataas pa rin ang pagtanggi sa bakuna at pag-aatubili ng mga residente sa rehiyon kahit pa maaaring ma-ospital o mamatay ang isang hindi bakunado sa nasabing sakit.

 

 

 

“We are appealing to the national government to devote more resources to the vaccination campaign in the BARMM region.  We must do everything we can to reach out to more people and convince them that getting vaccinated is the only path towards normalcy,” pahayag pa ni Marcos Jr.

 

 

 

Hinimok rin ng BBM-Sara UniTeam ang mga local government units (LGUSs) na magsagawa ng malawakang information campaign sa social media at “bannering” sa mga barangay upang malabanan ang mga naglipanang maling impormasyon hinggil sa bakuna.

 

 

 

“LGUs should also tap the power of social media platforms as an alternative means to reach out. They should also consider bannering in barangays to correct wrong information being passed around about Covid-19 vaccination. Maybe this one time, we can all be a ‘Maritess’ for vaccination.  Instead of spreading gossip, let’s all help to ensure that correct information on vaccines reach those who remain hesitant,” dagdag pa ni Marcos Jr.

 

 

 

Iminungkahi rin ng tandem na dagdagan ang alokasyon ng mga mobile vaccination sites, cold-chain vehicles, at vaccine refrigerators sa rehiyon ng BARMM upang makarating ang mga bakuna maging sa mga liblib na komunidad.

 

 

 

“We are also appealing to the families of the unvaccinated to encourage their love-ones to get vaccinated.  They need to realize that they would also be putting the lives of their entire family by refusing to be vaccinated,” saad pa ni Marcos Jr.

 

 

 

Ang pambansang pamahalaan ay muling magsasagawa ng ‘Bayanihan, Bakunahan’ vaccination drive mula Disyembre 15 hanggang 17 at kasama rito ang rehiyon ng BARMM.

Other News
  • PBBM at Blinken, nagkita, nagpulong sa Malakanyang

    SA KABILA nang makulimlim na panahon at panaka-nakang pag-ambon ay natuloy din ang pagkikita nina Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. at US Secretary of State Antony Blinken sa Malakanyang, noong Sabado, Agosto 6, 2022.     Naka-iskedyul kasi ang courtesy call si Blinken kay Pangulong Marcos.     Makikita sa larawan ang paglagda ni Blinken sa  […]

  • Matapos pumalit bilang bokalista ng ‘Lily’: JOSHUA, bina-bash at pilit kinukumpara kay KEAN

    SI Joshua Bulot ang pumalit sa unang bokalista ng Lily, na dating Calla Lily, na si Kean Cipriano.     Kaya kinumusta namin ang journey niya bilang miyembro ng naturang banda.     “Actually sobrang natuwa ako kasi ano, ang bilis rin ng chemistry naming lahat,” wika ni Joshua, “kumbaga nagkaroon kami ng struggles pero […]

  • 2 drug suspects tiklo sa P.1M shabu sa Valenzuela

    MAHIGIT P.1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang drug suspects na naaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ni District Drugs Enforcement Unit (DDEU) chief P/Major Jeraldson Rivera ang naarestong mga […]