Be professional, don’t act beyond bounds
- Published on April 23, 2022
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga graduates o nagsipagtapos ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class 2022 na panatilihin ang kanilang propesyonalismo sa pamamagitan ng pagganap sa kanilang gampanin ng walang pagmamalabis sa kanilang legal parameters.
“You must maintain professionalism for you will soon take over its leadership and will be the role models of future Filipino law enforcers,”ayon kay Pangulong Duterte sa isinagawang graduation rites ng PNPA “Alab-Kalis” Class of 2022 sa Silang, Cavite.
Ang panawagan na ito ng Pangulo ay kasabay ng pagbibigay puri sa mga kapulisan bilang “forefront” sa laban sa ilegal na droga at terorismo sa ilalim ng kanyang liderato.
Umaasa naman ang Chief Executive na mapananatili ng mga graduates ang “same level of courage, determination and passion” sa kanilang pagsama sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire and Protection (BFP), at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Sinabi rin ng Pangulo sa mga ito na iwasan na umakto na lagpas sa kanilang legal parameters, pinaalalahanan niya ang mga ito na ang kanilang mandato ay magsilbi at protektahan ang mga mamamayang Filipino.
“Although our war with lawless forces is far from over, I am proud to say that we have made great strides in improving the crime situation in the country,” ayon sa Punong Ehekutibo sabay sabing “Always be reminded that the core of your profession is and will always be the welfare of our people.”
Bilang abogado, sinabi ni Pangulong Duterte, na handa siyang magbigay ng legal assistance sa mga pulis kahit pa matapos ang kanyang termino sa Hunyo 2022, hangga’t ginagampanan ng mga ito ang kanilang tungkulin alinsunod sa batas.
Muli namang inulit nito ang kanyang pagmamahal sa kapulisan na tumulong na panatilihin ang batas at kapayapaan sa ilalim ng kanyang liderato.
“Maski retired na ako , if you want my help, lalo na ‘yung masabit kayo in a legitimate operation, nandiyan ako. And maybe I will appear in court for you,” ayon sa Pangulo.
Sinabi rin ni Pangulong Duterte sa mga graduates na umiwas na lumagpas o lumabas sa kanilang legal parameters.
“Kung ano lang ang tama, ‘yun ang sundin niyo. Do not go out of your legal parameters, ‘yung tama lang na trabaho ng pulis pati alam niya ang obligasyon sa taumbayan,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, matapos ang kanyang keynote speech, nagpalabas naman ng kautusan ang Pangulo na bigyan ng pardon o kapatawaran ang mga PNPA cadets na mayroong outstanding punishments at demerits.Inanunsyo rin ng Pangulo na makatatanggap ng “bahay at lupa” mula sa gobyerno si PNPA Alab-Kalis Class’ graduating valedictorian, Cadet Ernie Alarba Padernilla mula Passi City, Iloilo.
“Your valedictorian, I am talking on behalf of the government, may house and lot ‘yan,” aniya pa rin.
Nakatanggap din si Padernilla ng Presidential Kampilan, Chief PNP Kapilan, Best in Forensic Science Award, at Best in Thesis Award.
Ang PNPA Alab-Kalis Class ay may kabuuang 229 cadets.
Tinatayang 206 graduating cadets ang makakasama sa PNP, 12 ang mapupunta sa BJMP, habang 11 naman ang makakasama ng taga- BJMP. (Daris Jose)
-
Gobyerno dapat maghanap ng bagong ‘funders’ kasunod ng pag-atras ng China sa big-ticket railway project – Salceda
MARAMI pang mga ospyon ang gobyerno para mapondohan ang big-ticket railway projects. Ito’y matapos umatras ang China na pondohan ang nasabing proyekto. Ayon kay House Ways and Means Chair at Albay 2nd District Representative Joey Salceda na hindi na kailangan pa na i- persuade ang China para tulungan tayo uli bagkus maghahanap na […]
-
Kevin Costner’s “Horizon: An American Saga – Chapter 1” premieres in PH cinemas on June 28
KEVIN Costner’s “Horizon: An American Saga – Chapter 1” opens in Philippine cinemas on June 28, 2024, the same day as its global release. Kevin Costner returns to the director’s chair with “Horizon: An American Saga,” a four-part epic Western featuring a star-studded cast including Costner himself, Sienna Miller, Sam Worthington, Giovanni Ribisi, Jena Malone, Jamie Campbell Bower, and Luke […]
-
Expansion ng number coding scheme sa NCR, hindi na kailangan pa – MMDA
HINDI NA nakikita pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kinakailangan pang paliwigin ang number coding scheme sa mga lugaw na nasa ilalim ng Alert Level 1, lalo na sa National Capital Region. Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, kakaunti lamang ang kanilang naitalang mga sasakyang bumabaybay sa EDSA sa unang araw […]