• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BEA, may naiisip na concept na sa posibleng project na pagsasamahan nila ni MARIAN

NGAYONG gabi na, October 15, ang special guest appearance ni Kapuso actress  Bea Alonzo, sa comedy program na Bubble Gang.

 

 

Ipapakita naman ni Bea ang husay niya sa comedy, na matagal na raw niyang nami-miss gawin, at na-excite siya nang malaman niyang may special  episode para sa kanya  ang whole gang, led by creative genius Michael V, na matagal na pala niyang wish makatrabaho.

 

 

Kaya nagamit na ni Bea ang ipinakita niya sa kanyang latest content ng YouTube channel niya, ng new airplane cabin-inspired taping van.  Parang nasa isang business class cabin si Bea sa loob ng van na mini home na niya kapag bibiyahe siya nang malayo papunta sa location sites niya kapag may taping.

 

 

May overhead compartments, to store her items, dressing area, a microwave, a refrigerator, a coffee station, a television with Netflix, and a full bathroom with a leather door.  Dagdag ni Bea siya raw ang nag-design ng car para magmukha siyang inside an airplane dahil noon pa ay dream na niyang magkaroon ng private jet.

 

 

So, ready na si Bea kung tuloy na ang shooting nila ni Alden Richards ng movie na isu-shoot daw nila dahil kahapon, October 14, dahil tapos na ang taping nila ng The World Between Us with Jasmine Curtis-Smith and Tom Rodriguez. 

 

 

Kung ang susunod na project ni Bea ay isang teleserye, looking forward siya makatrabaho ang mga younger Kapuso stars tulad  nina Ruru Madrid at Derrick Monasterio.

 

 

At siyempre si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.  Sa katunayan mayroon na raw kasi siyang naiisip na story.

 

 

“I actually have a concept in mind, ikukwento ko na lang sa mga bosses… for me and Marian sana,” masayang sinabi ni Bea.

 

***

 

 

MEANWHILE, napansin na ng mga fans at followers ni Marian Rivera na sunud-sunod ang mga TVC shoots niya ng mga bago niyang endorsements, na for the past two weeks ay halos araw-araw siyang nagsu-shoot.

 

 

Merong solo niya, mayroon magkasama sila ni Dingdong Dantes, meron ding kasama niya ang bunso nilang si Sixto.

 

 

Ang nai-excite pa ang mga fans ay kung ano ang bagong ilalabas ni Marian na mga new products ng Flora Vida by Marian, na iba naman sa mga flower arrangements na ginagawa niya.  May kinalaman nga ba ito sa hilig niya sa jewelries?

 

 

No problem naman kay Marian kahit sunud-sunod ang TVC shoots niya dahil ginagawa lamang niya ito sa bahay nila, na kahit ang taping niya ng spiels ng Tadhana ay doon na rin niya ginagawa, sa direksyon naman ni Dingdong.

 

 

***

 

 

FINALE episode na today ng top-rating monthly GMA Afternoon Prime series na Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette, na pinagtambalan nina Beauty Gonzalez and Kelvin Miranda.

 

 

Sa isang interview natanong si Beauty kung ano ang masasabi niya doing the series.

 

 

    “Pinatunayan sa story na you can’t plan love, lightning  can strike anyone at anytime, at wala kang magagawa pag dumating ito sa ‘yo,” sagot ni Beauty.

 

 

“Kaya mami-miss ko ito dahil sa youthful energy and pureness and rawness of puppy love.”

 

 

Hindi sinagot ni Beauty kung ano ang mangyayari sa finale, “expect the unexpected, a perfect mix of true life and fantasy, a closing and perhaps an opening. Kaya thank you to our avid viewers and fans who never fail to watch our show. Thank you for Loving Miss Bridgette, thank you for cheering for her, for accepting her into your homes and into your hearts.”

 

 

Balitang may next project na si Beauty sa GMA at isang top Kapuso actor ang makakatambal niya.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • “Person of interest’ sa pagpatay kay Percy Lapid slay, nakita sa CCTV footage — Abalos

    UMAPELA  si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. sa publiko na magbigay ng impormasyon nang pagkakakilanlan ng  ‘person of interest’ sa pagpaslang sa broadcaster  na si Percival Mabasa,  o mas kilala bilang Percy Lapid.     Nahagip kasi ng closed-circuit television (CCTV) footage ang imahe ng nasabing mga  […]

  • MMDA kakausapin ang LGUs ukol sa pagbabalik ng provincial buses’ sa EDSA

    MAKIKIPAG-UGNAYAN ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa local government units (LGUs) hinggil sa pagpapalabas ng ordinansa na magre-regulate sa posibleng pagbabalik ng 4,000 provincial buses sa kahabaan ng EDSA.   Sinabi ni MMDA chairperson Benjamin Abalos Jr. na plano niyang makipagkita sa mga Alkalde ng Pasay, Caloocan, Makati, Mandaluyong, San Juan at Quezon City […]

  • Baka ‘di pumayag sa pagpapa-convert ng girlfriend: RURU, natakot noong magpaalam sila sa Lola VICKY ni BIANCA

    ALIW si Ruru Madrid, tila na miss nito ang girlfriend na si Bianca Umali na hindi na umabot sa presscon.     Kaya kahit standee man lang ng Kapuso actress, binitbit niya at itinabi sa kanya habang kumakanta silang lahat na Sparkle artists ambassadors ng Beautéderm kasama ang C.E.O. na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.   […]