BEA, nag-post nang napakagandang mensahe na tiyak na maraming tatamaan
- Published on May 6, 2021
- by @peoplesbalita
MAGANDA ang post na ito ni Bea Alonzo: “Kapag alam mong hindi ka naa-appreciate, lumayo ka na. Kapag hindi ka na mahal, umalis ka na. Kapag ramdam mong hindi ka na belong, umiwas ka na.
“Be strong enough to face the reality na hindi lahat ng gugustuhin mo, gugustuhin ka. In short, Life is too short to spend time with the wrong people. Never beg someone to be with you. Never beg for attention, commitment, affection, time and effort. Never beg someone to come back or stay.
“If someone doesn’t willingly give you these things with their arms wide open, they aren’t worth it. No one, under any circumstances, is ever worth begging for.”
O di ba naman? Napakagandang mensahe na pwede natin gamitin sa araw-araw nating pamumuhay at maging sa matters of heart.
If you have loved and lost in the process, maraming lessons kang pwedeng matutuhan in the process. Sa bawat experience natin sa buhay, maganda man o pangit, mayroon tayong natututuhan that helps us grow as a person. Nasa atin na lang iyan kung paano natin gagamitin ang lesson na iyan – to make ourself better or worse?
Siyempre mas maganda na we make life lessons make us better and wiser. Kahit pa hindi maging maganda ang maging bunga ng isang life experience, it is for our benefit kung makakahanap tayo ng way to make it work for our betterment.
Kapag nasaktan ka, nakakatakot muling sumugal sa pag-ibig. Hahayaan mo na lang na panahon ang magdikta kung iibig kang muli.
Sa ngayon ay tahimik si Bea sa kanyang lovelife. May nali-link sa kanya pero wala pang inaamin ang dalaga. O maging ang sinasabing bagong itinitibok ng kanyang puso.
Pag nakita natin blooming na muli si Bea, maybe that is the time na pwede natin sabihin na she is truly in love again.
***
ANO ba ang qualification para matawag na showbiz royalty?
Showbiz royalty in the truest sense of the word.
Una, dapat siguro anak ka ng sikat na artista. Like for example, Ian de Leon na anak nina Christopher de Leon at Nora Aunor.
Or tulad ni Luis Manzano na anak nina Edu Manzano at Cong. Vilma Santos.
Dapat din kasi ‘yung mga nagbibigay ng title o bansag ay pinag-iisipan din kung nararapat bang tawagin na showbiz royalty ang binibigyan nila ng title.
Kasi baka naman anak nga ng artista pero hindi naman sikat. Qualified na ba ‘yun na tawagin as showbiz royalty?
Kasi baka maniwala ‘yung binansagan na showbiz royalty siya eh in truth ay hindi naman. Tiyak na pagtataasan lang siya ng kilay.
Dapat kasi bago bigyan ng title ang isang artista, dapat may ‘K’ naman talaga ito. We mean, hindi naman basta tinawag na Superstar si Ate Guy o Star for All Seasons si Cong.Vi. May ‘K’ naman silang bansagan as such dahil sa stature nila sa showbiz.
Kaya bago bansagan ang isang newbie ng isang title, pakaisipin muna kung angkop ba ng title sa binibigyan nito. (RICKY CALDERON)
-
COVID-19 positivity rate sa NCR, bumaba sa 7.8 percent – OCTA
BUMABA ng may 7.8 percent ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) nitong Nobyembre 7 mula sa 9.5 percent noong October 31. Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA research group, ang positivity rate ay yaong bilang ng mga taong napapatunayang may virus makaraang sumailalim sa COVID-19 test. Sinabi ni David […]
-
‘Life, livelihood,’ sentro ng 10-point ‘Bilis Kilos’ economic agenda ni Mayor Isko sa pagkapangulo
NAKATUTOK ang 10-point “Bilis Kilos” economic agenda ng presidential aspirant na si Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa buhay at kabuhayan ng sambayanang Pilipino. Sa isang pulong balitaan, sinabi ng alkalde ng Maynila na ito ang tututukan ng kanyang administrasyon sakali mang siya ang palarin sa pagka-pangulo sa halalan sa […]
-
Ads August 12, 2023