• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bebot na wanted sa droga sa Manila, nalambat sa Navotas

NALAMBAT ng mga operatiba ng Northern Police District – District Special Operations Unit (NPD-DSOU) ang 35-anyos na bebot na wanted sa droga matapos ang ikinasang manhunt operation sa Navotas City.

Ayon sa DSOU-NPD, nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan sa Brgy. NBBN ang presensya ng akusado na kabilang sa mga talaan ng mga ‘Most Wanted Persons’ sa Lungsod ng Manila.

Agad bumuo ng team ang DSOU saka ikinasa ang manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-2:20 ng hapon sa Road 10, Barangay NBBN, Navotas City.

Dinakip ng mga operatiba ng DSOU ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa Section 11(3) ng Article II ng RA 9165 na inisyu ni Presiding Judge Maria Bernardita J. Santos, ng RTC Branch 35, Manila, noong December 22, 2014, na may inirekomendang piyansa na P120,000.00.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa DSOU-NPD Custodial Facility Unit habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman.

Binati ni P/COL Josefino Ligan, Acting District Director ng NPD ang dedikasyon at tiyaga ng mga operatiba sa pagtugis sa mga pugante na nauugnay sa krimen

“This operation showcases the unyielding dedication of our personnel in the pursuit of justice for victims. We are resolute in our mission to intensify initiatives aimed at safeguarding our communities.”. pahayag niya. (Richard Mesa)

Other News
  • Warner Enjoys Box-Office Dominance with Back-to-Back Hits ‘The Batman,’ ‘Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore’

    “The Batman” shattered records in March.  Then, “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore” scored a magical $193.4-M over the weekend, worldwide.      And just like that, Warner Bros. Pictures is enjoying its best box-office season in years, with no signs of slowing down.     While receipts for the latest “Fantastic Beasts” movie are still coming […]

  • Maglive-in partner na tulak isinelda sa higit P.1M shabu sa Malabon

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng maglive-in partner na tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina Robert Rivera, […]

  • Public apology ng Kuwait government sa pamilya Ranara, hiningi

    DAPAT na mag-’public apology’ ang gobyerno ng Kuwait sa pamilya ni Jullebee Ranara, ang Pinay OFW na karumal-dumal na pinaslang ng anak ng amo ng kanyang employer sa Kuwait.     Sinabi ni Sen. Raffy Tulfo na kabilang ito sa mga kundisyong isinusulong niya kasabay ng panawagan niyang ‘total deployment ban’ sa mga first-timers OFW […]