Beda may bala na panlaban sa Letran
- Published on September 11, 2020
- by @peoplesbalita
ANG Colegio de San Juan de Letran Knights ang nagkampeon sa 95th National Collgiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament noong Nobyembre.
Sinawata ng Intramuros-based squad ang umaasam ng four-peat title na San Beda University Red Lions.
Kaya nasa radar ng mga basketbolista ng Mendiola na makaresbak sa mga kabalyero ni coach Bonnie Tan.
“Alam natin na Letran is the defending champion so we are trying to redeem ourselves that we loss the crown last year,” bigkas kamakalawa ng counterpart ni Tan na si Teodorico (Boyet) Fernandez III.
Nawala na sa bakuran ng SBU sina seniors Clint Doliquez at AC Soberano na mga umakyat na sa Philippine Basketball Association (PBA), pero hinirit ng Beda coach na may mga alas pa rin siya para ipambala sa karibal a nalalapit na pagbubukas ng ika-96 na edisyon nang pinakamatagal ng liga ng kolehiyo sa bansa.
“We have,” giit na ng 49-anyos na tactician hinggil sa mga bagong recruit. “Medyo marami-rami nga, pero we are holding that for now kasi nga gusto naming i-secure.”
Mangunguna sa mga mga bagong salta pero palaban sa pulang leon ang Red Cubs champions o nakatapos na ng haiskul na sina Rhayyan Amasali, Winston Ynot, Justine Sanchez at Yukien Andrada.
Pero may mga nakuha ring matitinik na rekrut ang Knights sa pangunguna naman ni Rhens Joseph Abando na lumayas ng University of Santo Tomas Growling Tigers men’s basketball team ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP).
Si Amsali ay beterano ng international competition sa pagiging miyembro datin ng Batang Gilas PIlipinas.
Pihadong magandang bakbakan iyan kapag natuloy ang liga sa pagkawala ng Covid-19.
Abangan po natin mga mahal kong mambabasa ng People’s Balita.
-
Pinas, kinokonsidera ang FTA kasama ang US sa cyberspace, digital tech; trade deal sa Japan
KINOKONSIDERA ng Pilipinas na magkaroon ng bilateral free trade agreement (FTA) kasama ang United States (US) ukol sa cyberspace at digital technology. Sa isang panayam sa Washington DC, sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na ang plano ng Pilipinas na magkaroon ng FTA kasama ang Estados Unidos sa dalawang larangan ay […]
-
MMDA sa mga kandidato: ‘Wag mangampanya sa sementeryo
UMAPELA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga kandidato sa 2025 Midterm elections na iwasang mangampanya at sa halip ay ibigay ang panahon at oras sa namayapa at mga pamilya nito. Ginawa ni MMDA Chairman Artes ang apela kasabay ng kanyang pulong sa mga kinatawan ng 17 local government units (LGU) sa […]
-
MANILA LGU, HANDA NANG BAKUNAHAN ANG MGA BATANG 5 – 11 ANYOS KONTRA COVID-19
HANDA na ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila na mamahagi ng bakuna kontra COVID-19 para sa mga menor de edad mula 5 hanggang 11 taong gulang sakaling maglabas na ng “go signal” ang Department of Health at ang National Task Force Against Covid-19 na inaasahang ipatupad sa susunod na linggo. “Nakahanda na […]