Beermen hiniya ang Gin Kings
- Published on February 22, 2022
- by @peoplesbalita
HUMAKOT si import Orlando Johnson ng 31 points, 10 rebounds at 8 assists para banderahan ang San Miguel sa 110-102 paggupo sa nagdedepensang Barangay Ginebra sa PBA Governors’ Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Nag-ambag si CJ Perez ng 23 markers para sa ikaapat na panalo ng Beermen sa pitong laban at buhayin ang kanilang pag-asa sa quarterfinals.
“This is my first to play basketball again after a year. I knew it’s just a matter of time before I get my rhythm back,” sabi ni Johnson na dating naglaro para sa Ginebra.
Nalasap ng Gin Kings, nakahugot kay import Justin Brownlee ng 40 points, ang ikaapat na sunod na pagkatalo matapos ang 3-0 panimula sa torneo.
Kumonekta ang San Miguel ng anim na triples sa third period sa likod nina Johnson, Perez at Marcio Lassiter para angkinin ang 13-point lead, 86-73, sa huling 1:26 minuto nito.
Ilang beses nagpumilit ang Ginebra na maputol ang nasabing kalamangan sa fourth quarter sa pamamagitan ni Brownlee, ang huli ay sa 100-106 sa 2:35 minuto nito.
Ngunit ang fastbreak dunk ni Johnson sa nalalabing 1:19 minuto ang muling naglayo sa Beermen sa 108-100.
Sa inisyal na laro, hinataw ni import Tony Bishop ang 20 sa kanyang 26 points sa second half habang iniskor ni Allein Maliksi ang 12 sa 19 markers niya sa fourth period para sa 93-88 panalo ng Meralco (5-1) sa Rain or Shine (3-5).
Nagtala si center Raymond Almazan ng 17 points at 7 rebounds para ilapit ang Bolts sa quarterfinals berth kasabay ng pagpapatikim sa Elasto Painters ng ikalawang dikit na pagkatalo.
“We talked about it at halftime that we are just going to focus on our defense,” sabi ni Meralco coach Norman Black sa depensa nila sa Rain or Shine sa second half.
-
Maraming nagulat sa kanyang inirampa: Natcos ni MICHELLE sa Miss U, tribute sa Philippine tourism at pagiging Air Force reservist
“DESTINATION Filipinas” and “Love the Philippines” ang inspiration sa likod ng national costume ni Michelle Marquez Dee. Made in Nueva Vizcaya ang natcos ni Michelle na gawa ng designer na si Michael Barassi. According to Barassi, the costume, which resembles a plane, is a tribute to Philippine tourism and Dee being an Air Force reservist. […]
-
‘Logan’ Star Shares Key Advice Hugh Jackman Gave Her
LOGAN star Dafne Keen shares the advice Hugh Jackman gave her on set of the X-Men film. Jackman made his debut as Wolverine in the 2000 film X-Men and went on to reprise the role nine times over nearly two decades, effectively ending his character’s run with 2017’s Logan (though he will be returning […]
-
Quiapo Church idineklara nang ‘National Shrine’
PORMAL nang idineklara na “National Shrine” ang Minor Basilica of the Black Nazarene (Quiapo Church) sa isang seremonya ng deklarasyon sa loob ng simbahan January 29. Pormal na tinanggap ni Manila Arcbishop Jose Cardinal Advincula at ni Fr. Rufino “Jun” Sescon, ang official decree na nagdedeklara sa Quiapo church bilang National Shrine mula […]