Beermen nagkampeon sa PBA Philippine Cup matapos tambakan ang TNT 119-97
- Published on September 6, 2022
- by @peoplesbalita
NAKUHA ng San Miguel Beermen ang kampeonato ng 2022 PBA Philippine Cup matapos tambakan ang TNT Tropang Giga 119-97.
Tinanghal bilang PBA Press Corps Finals Most Valuable Player sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum sa harap ng 15,915 audience.
Nanguna sa panalo ng Beermen si CJ Perez na nagtala ng 25 points habang si June Mar Fajardo ay nagtala ng 19 points at 18 rebounds.
Ito ang muling pagkampeon ng Beermen matapos ang tatlong taon mula noong 2019 ng limang magkasunod na taon ng sila ay itanghal sa kampeonato.
Naging malaking hamon para sa TNT ang laro dahil sa hindi nila nakasama ang kanilang coach na si Chot Reyes matapos magpositibo sa COVID-19.
Nasayang naman ang nagawang 32 points ni Jayson Castro habang mayroong 22 points naman si MIkey Williams para sa TNT.
-
Ads February 4, 2020
-
Hard to tell yet- Herbosa
SINABI ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa na mahirap pang sabihin kung ang bagong pagbaba sa kaso sa National Capital Region ay simula na ng downward trajectory ng infections. Tinanong kasi si Herbosa kung ang pagbaba ng kaso sa NCR ay nangangahulugan na ang surge dahil sa […]
-
Hidilyn ipinagmalaki ang buong team sa kaniyang tagumpay
Labis ang pasasalamat ni Pinay weightlifting champion Hidilyn Diaz sa kaniyang kasamahan na naging susi sa tagumpay nito para makuha ang kauna-unahang gintong medalya ng bansa sa Tokyo Olympics. Kinibibilangan ito ng kaniyang coach na si Jeaneth Aro bilang nutritionist, sports psychologist Dr. Karen Trinidad; weightlifting coach Kaiwen Gao at strenght and conditioning […]