Bello binakunahan, hinikayat ang nasa priority group na magpabakuna din
- Published on May 19, 2021
- by @peoplesbalita
Binakunahan si Labor Secretary Silvestre Bello III ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa Ilagan City, Isabela nitong Sabado, ulat ng DOLE regional office 2.
Ang bakuna ay pinangasiwaan ng kawani mula sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC), na siyang tumulong sa labor secretary sa paghahanda at aktwal na pangangasiwa ng bakuna.
Kabilang si Bello sa priority group batay sa listahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa ilalim ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) prioritization framework and criteria, kabilang sa grupo ng mga senior citizens.
Ang prioritization framework ng IATF ay upang tiyakin na ang mga may pinakamataas na peligro na mahawaan at mamatay ay maprotektahan mula sa sakit.
Matapos mabakunahan, hinikayat ni Bello ang mga nasa priority group na magpabakuna upang kahit paano ay mabawasan ang pagkagambala sa pag-unlad ng lipunan at ekonomiya sanhi ng pandemya.
“Hinihikayat ko ang aking mga kapwa manggagawa at iba pang nasa priority group na magpabakuna. Samantalahin natin ang libreng programa sa pagbabakuna upang tuluyan na nating malampasan ang pandemyang ating dinadanas,” pahayag ni Bello. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
CA retired justice, ika-5 miyembro na bubusisi sa PNP generals, colonels
TINUKOY ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr., si retired Court of Appeals (CA) Justice Melchor Sadang bilang ika-5 miyembro ng five-man committee na nakatakdang magrepaso sa courtesy resignations na isinumite ng mga senior officials ng Philippine National Police (PNP). “Si Justice Sadang ay naging Associate […]
-
Pinsala sa agrikultura ni Karding, lumobo na sa P160.1M —DA
LUMOBO na sa P160.1 milyong piso ang pinsala at pagkalugi sa agrikultura dahil sa hagupit ng bagyong Karding. Sa pinakahuling pagtataya ng Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (DRRM) ng Department of Agriculture (DA), sakop nito ang 16,659 ektarya ng agricultural areas sa Cordillera Administrative Region , Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon, […]
-
ASEAN Basketball League tuluyan nang kinansela ngayong taon
Tuluyan ng kinansela ng ASEAN Basketball League ang bagong season ngayong taon dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19. Ayon sa liga, na kanila ng itutuloy ang mga laro sa 2021. Labis kasi naapektuhan ang liga sa ipinatupad na lockdown kaya minabuti nilang kanselahin na lamang ang season. Magugunitang noong Marso 13 […]