Bello kay Duterte: Ibaba na ang quarantine status, mga manggagawa hirap na
- Published on April 10, 2021
- by @peoplesbalita
Pinangangambahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang muling pagdami pa ang mga mawawalan ng trabaho dahil sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa ilang bahagi ng bansa.
Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na noong unang linggo ng ECQ ay mahigit 8,300 manggagawa ang naapektuhan ang trabaho sa NCR plus bubble.
Dahil naman sa pagpapalawig sa ECQ sa mga naturang lugar ay maaring madagdagan pa ang mga mawawawalan ng trabaho.
Aniya, imumungkahi nila kay Pangulong Rodrigo Duterte na kung maari ay babaan na ang quarantine status pero kung ano ang desisyon ng pangulo ay ito pa rin ang masusunod.
Ayon sa kanya, sa mga nawalan ng trabaho ay kailangang maibigay ng kanilang employer ang kanilang separation pay gayundin ang kanilang hindi nagamit na leave credits.
Sa ngayon ay nagbibigay na ang DOLE ng P5,000 na cash assistance sa mga nawalan ng trabaho.
Samantala, umabot na sa kalahating milyon na mga OFWs ang napauwi ng ahensya sa bansa at mayroon pang 20,000 ang inaasahang uuwi.
-
Ads September 21, 2020
-
Didal yuko sa 13-anyos na karibal
Bigo mang makasama sa isang podium finish ay dapat pa ring ipagmalaki si Margielyn Didal dahil sa pag-entra sa Top Eight sa women’s street skate event sa skateboarding debut sa Olympic Games. Tumapos ang Cebuana skater sa pang-pito sa kanyang iskor na 7.52 sa hanay ng walong finalists na kinabibilangan ng mga 13-anyos […]
-
‘Alien: Romulus’ Cemented Itself as a Notable Box Office Performer
THE Alien franchise has a big hit thanks to Alien: Romulus’ box office performance, as its domestic and worldwide opening total is excellent for the series. Director Fede Álvarez was responsible for relaunching Ridley Scott’s horror/action sci-fi franchise seven years after Alien: Covenant disappointed financially. Although the 2017 film […]