• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Benepisyo ng Bagong Pilipinas ramdam na ng publiko

IPINAGKIBIT- balikat ng mga kinatawan ng Kamara ang patutsada ng ilan na wala umanong saysay ang Bagong Pilipinas campaign, isa sa mga pangunahing programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon sa mga kongresista, ang dapat tanungin ng mga kritiko ay ang mga taong nakinabang sa bilyun-bilyong pisong halaga ng cash assistance at livelihood program na dala ng Bagong Pilipinas campaign.
Sa pulong balitaan sa Kamara noong Huwebes, ipinagtanggol nina Deputy Majority Leaders Erwin Tulfo at Janette Garin, kasama si Anakalusugan Partylist Rep. Ray Reyes ang programa ng Pangulo.
Ayon kay Tulfo, kinatawan ACT-CIS partylist, ang inilunsad ni Pangulong Marcos ang Bagong Pilipinas campaign, sa pakikipagtulungan kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, bilang pagtupad sa pangako nito na ilalapit sa mga Pilipino ang serbisyo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
“Ang linggo-linggong pamimigay ng rice at cash assistance sa mga mahihirap sa iba’t-ibang lalawigan ay isa sa mga programa ng Bagong Pilipinas”, ani Cong. Tulfo.
Sinang-ayunan nanan ni Rep. Garin si Tulfo kasabay ang sabi, “personal kong nasaksikan kung paano ang mga tao, kasama ang aking mga kadistrito sa Iloilo ay natuwa sa natanggap na benepisyo ng pumunta roon ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na pinangunahan ni Speaker Romualdez”.
Kasama rin daw sa Bagong Pilipinas program ang mga dagdag benepisyo sa PhilHealth members tulad ng libreng mammogram at breast ultra sound sa mga kababaihan at iba pang libreng diagnostics exam simula ngayong Abril.
Ang pagtataas ngayong katapusan Marso ng diskwento ng mga senior citizen at PWD sa grocery items ng P125 kada linggo mula sa P65 ay bahagi rin ng Bagong Pilipinas.
Idagdag pa ang paglalagda ng batas ni PBBM kamakailan na nagbabawal na sa mga eskwelahan na ipatupad ang “no permit, no exam policy”.
Sinabi naman ni Cong. Reyes, na masyado pang maaga para husgahan kung tagumpay o hindi ang Bagong Pilipinas campaign. (Daris Jose)
Other News
  • Kinabog sina Mikael, Glaiza, Ruru, Kokoy, Lexi at Buboy: ANGEL, first-ever Ultimate Runner ng ‘Running Man PH’

    GMA Network’s top-rating and biggest reality game show of the year, ang “Running Man Philippines,” officially bids goodbye to season one with its first-ever Ultimate Runner, Angel Guardian.      Congratulations, Angel! Siya ang nanguna sa seven contestants, sina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales at Buboy Villar.     Hindi napigilan […]

  • Hands on canvassing training para sa 2022 Presidential at VP elections sa Kamara

    BILANG  paghahanda, nagsagawa ng hands on training sa canvassing ng boto para sa presidential at vice presidential candidates ng May 9, 2022 national elections sa kamara.     Ang hands-on training/demonstration ay isinagawa ng Commission on Elections (COMELEC).     Sinabi ni House Information and Communications Technology Service (ICTS) Director II Julius Gorospe na ang […]

  • 8-0 sinakmal ng Lady Bulldogs

    PATULOY  ang pananalasa ng National University matapos pataubin ang De La Salle University, 25-21, 25-20, 25-17, upang maikonekta ang ikawalong sunod na panalo kagabi sa UAAP Season 84 women’s volleyball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.     Bumandera sa matikas na kamada ng Lady Bulldogs si wing spiker Princess Robles na […]