Bentahan ng isang brand ng vape, sinuspinde ng DTI
- Published on March 21, 2024
- by @peoplesbalita
SINUSPINDE na ng Department of Trade and Industry ang pagbebenta, manufacture, importation, at distribution ng isang brand ng vape sa local market.
Ito ay matapos ang inilibas na preliminary order ng DTI noong Marso 15, 2024 na nag-uutos sa pagpapatigil sa pagbebenta ng mga vape products na gawa ng kumpanyang Flava Corp. nang dahil sa naging mga paglabag nito sa Republic Act No. 11900 o ang Vape Law.
Ayon sa ahensya ito ay dahil sa hindi pagsunod ng naturang kumpanya sa product communication restrictions, kabilang na ang paggamit ng flavor descriptors at mga artista para sa pag-advertise ng mga produkto nito.
Sabi ni DTI Secretary Alfredo Pascual, ang kautusan na Ito ay nagsisilbing babala sa lahat ng mga manufacturers, importers, distributors, at retailers na huwag gagawa ng anumang uri ng mga illegal particular na sa illegal trading ng mga illicit vapes at iba pang violative products.
Samantala, bukod dito ay ipinunto rin ng kalihim ang Section 12 ng Vape Law na nagbabawal sa pagbebenta ng mga vape products sa mga menor de edad, kabilang na ang paggawa ng mga flavored vapes para makapang-akit pa ng mga kabataan sa pagtangkilik dito.
Kung maaalala, kamakailan lang ay tinatayang aabot sa Php4.6-billion na halaga ng smuggled electronic cigarettes o vapes ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa isang warehouses sa Metro Manila. (Daris Jose)
-
EDSA @36 hitik sa panawagan vs ‘Marcos return’ sa Malacañang
SA DINAMI-RAMI ng mga pagkilos ngayong ika-36 anibersaryo ng EDSA People Power na nagpatalsik sa diktadura ni Ferdinand Marcos Sr., tila ibinubuklod ang karamihan nito sa iisang panawagan — ang pagpigil sa panunumbalik ng mga Marcos sa Palasyo ngayong 2022. Taong 1986 nang mapaalis sa Malacañang ang dating pangulo matapos ang mga protesta […]
-
Tinatayang may 8,036 pamilya o 31,677 katao ang apektado ni Enteng sa Rizal province… PBBM, ipinag-utos ang mahigpit na pagtugon sa mga lugar na tinamaan ni ENTENG
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Biyernes na panatilihin ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng nasyonal at lokal na pamahalaan upang masiguro ang mabilis na distribusyon ng tulong sa mga residente na apektado ng Severe Tropical Storm Enteng. “Continue the coordination between the national agencies and the LGUs with DENR, […]
-
Seven years na ang relasyon nila ni Khalil: GABBI, ayaw magpa-pressure pero intimate wedding ang gusto
INAMIN ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na minsan na siyang naapektuhan sa mga kuwento at opinyon ng ibang tao tungkol sa kanyang boyfriend na si Jeric Gonzales. Nahirapan nga raw si Rabiya noong una sa relasyon nila ni Jeric dahil sa mga lumalabas na tsismis tungkol sa aktor. “First […]