• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BEST tankers hakot pa ng 4 golds sa Japan

HINDI maawat ang Behrouz Elite Swimming Team (BEST) na humakot pa ng apat na gintong medalya tampok ang tatlong ginto mula kay Kristian Yugo Cabana sa pagpapatuloy ng 2024 Buccaneer Invitational Swimming Championships na ginaganap sa St. Mary’s International School swimming pool sa Tokyo, Japan.

 

 

Walang nakatibag sa Lucena City pride na si Cabana matapos walisin ang lahat ng tatlong events nito sa boys’ 13-14 category sa ikalawang araw ng kumpetisyon.

 

 

Mainit na sinimulan ni Cabana ang ratsada nang mamayagpag ito sa 100m butterfly kung saan naitala nito ang 58.71 segundo para ilampaso sina silver medalist Nicolas Radzimski ng Poland na nagsumite ng malayong 1:02.16 at bronze medalist Luca Hashimoto ng Japan na may 1:05.03.

 

Muling umariba si Cabana nang pagharian nito ang 400m Individual Medley at 100m freestyle para makumpleto ang three-event sweep.

 

 

“Hindi ko po ini-expect na makukuha ko lahat ng golds and I’m happy na nagbunga lahat ng pagsisikap ko sa training. Hopefully magtuluy-tuloy dahil may three events pa akong lalabanan,” ani Cabana.

 

Tatlo pang events ang lalahukan ni Cabana sa final day kung saan pakay nitong makuha ang ginto sa 100m backstroke, 200m butterfly at 200m IM.

 

 

Nagparamdam din ng puwersa si Therese Annika Quinto na umani ng isang ginto at isang tanso sa girls’ 13-14 division.

 

 

Nangibabaw si Quinto sa 200m backstroke matapos ilista ang 2:40.67 habang nakasiguro rin ito ng tanso sa 200m freestyle (2:29.08).

 

 

Maliban sa apat na ginto at isang tanso, may naibulsa rin ang BEST squad na isang pilak mula kay Juancho Jamon sa boys’ 10-under 50m backstroke at dalawang tanso mula kina Athena Custodio sa girls’ 13-14 200m backstroke at Behrouz Mohammad Madi Mojdeh sa boys’ 13-14 100m butterfly.

 

Sa kabuuan, may limang ginto, apat na pilak at apat na tanso na ang BEST tankers matapos ang dalawang araw na kumpetisyon na inaasahang madaragdagan pa sa final day.

 

 

“Nagdeliver talaga ang mga bata. Nandun yung eagerness nila to win medals and we’re hoping na madagdagan pa dahil marami pa silang events na natitira,” ani BEST team manager Joan Mojdeh.

 

 

Nagpasalamat ito sa Filipino community sa Tokyo at sa mga coaches na tumutulong sa mga Pinoy swimmers na lumalaban sa Japan.

 

 

“We would like to thank the Filipino community here in Japan led by Myles Beltran, Arnel Punzalan and Marilyn Yokokoji as well as Shery Alcantara Yusa, Sheryl Ballesteros, Sahlee Bucao, Endo, and Shirley Dizon Yasaka. And also to coaches Sherwyn Santiago and Jerricson Llanos, and SLP president Fred Ancheta,” dagdag ni Mojdeh

Other News
  • DICT: Unregistered SIM cards, tatanggalan ng access sa socmed

    IKINOKONSIDERA ng Department of Information Communications Technology (DICT) ang unti-unti nang pag-disable ng mga featured services ng mga SIM cards, na hindi pa rin irerehistro ng mga may-ari nito, sa loob ng 90-day extension na ipinatupad ng pamahalaan sa SIM card registration.     Sa isang press briefing sa Malacañang, sinabi ni DICT Secretary Ivan […]

  • Truck ban sa Roxas Boulevard, ipapatupad ng MMDA

    INAPRUBAHAN ng Metro Manila Council (MMC) ang pagpapatupad ng pansamantalang truck ban sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa layuning maibsan ang pagsisikip ng trapiko sa gitna ng patuloy na konstruksyon sa lugar.     Sinabi ni Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) acting chairman Carlo Dimayuga III na ang pansamantalang truck ban ang nakitang solusyon ng […]

  • Kamara inaprubahan panukalang regulasyon ng motorcycles-for-hire

    SA botong 200 pabor at isang tutol, inaprubahan ng Kamara ang panukala na iregulate ang motorcycles-for-hire sa bansa.         Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, naiintindihan ng Kamara ang pangangailangan na maging ligtas ang pagbiyahe ng mga pasahero at produkto.     Kabilang sa may-akda ng panukala sina Reps. Rachael Marguerite Del […]