• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Betrayal of public trust, graft ­ batayan sa impeachment vs VP Sara

ITO ang dalawang nakikitang batayan ng House Committee on Good Go­vernment and Public Accountability na maaring magamit sa paghahain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng hindi nito maipaliwanag na paggastos ng confidential funds sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).

 

Sinabi ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua, Chairman ng Blue Ribbon panel na, ang mga natuklasan gaya ng paggastos ng P125 milyong confidential funds ng OVP na naubos sa loob lamang ng 11 araw noong Disyembre 2022 ay sapat na upang magdulot ng mga pagdududa kung tama ang ginawang paggastos sa pondo ng bayan.

 

 

Noong Agosto, naglabas ang COA ng Notice of Disallowance sa kuwestyunableng paggamit ng P73.28 ­milyon na bahagi ng P125 milyong confidential fund ng OVP noong 2022.

 

 

Ang tanggapan ni Duterte ay nakatanggap din ng P500 milyon confidential fund noong 2023 at sa halagang ito ay P375 ­milyon ang nagastos. Hindi na ginamit ng OVP ang nalalabing P125 milyon.

 

 

Ang P15 milyon sa confidential funds ng DepEd na ginamit umano sa pagbabayad ng reward sa mga impormante at P16 milyon na ginastos ng OVP sa renta ng mga safehouse sa loob ng 11 araw noong 2022.

 

 

Gayundin ang paggasta ng P15-M sa Youth Leadership Summit kung saan lumilitaw na sumakay lamang ito sa programa ng Philippine Army at walang inilabas na pondo kahit singko. ( Daris Jose)

Other News
  • Ads June 6, 2024

  • MOA COMELEC AT MALLS PARA SA BSKE

    LUMAGDA  na ng kasunduan ang Commission on Elections (Comelec) sa mga malls para sa paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataang Election ngayong 2023.       Pinangunahan ni Comelec Chairman George Garcia at iba pang opisyal ng komisyon ang Memorandum of Agreement Signing sa SM City Manila kasama si SM Supermalls President Steven T.Tan.   […]

  • Paggawad ng red hat kay Cardinal Advincula, muling ipinagpaliban

    Muling ipinagpaliban ang paggawad ng biretta o red hat kay Archdiocese of Manila Archbishop-elect Cardinal Jose Advincula.     Sa text message na ipinadala ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas, sinabi nitong ang pagtaas ng kaso ng mga nahawaan ng coronavirus sa Capiz ang dahilan sa muling pagpapaliban sa ‘bestowal of red hat sa kanya. […]