• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BF.7 dapat ikabahala – expert

DAPAT umanong ikabahala ng mga health authorities sa bansa ang presensya ng Omicron subvariant na BF.7 dahil sa kakayahan nito na muling magpataas ng mga kaso tulad ng nangyayari sa China.
“Well, that is a concern considering that we are not having accurate information coming from China and China has a past history of not disclosing the number of cases, the number of deaths,” saad ni Dr. Tony Leachon.
Ito’y makaraang makatukoy na ang Department of Health ng apat na kaso ng BF.7.
Ang BF.7 ay sublineage ng BA.5 at klasipikadong “variant under monitoring” dahil sa pagdami nito sa buong mundo.
“The variant was initially flagged by the researchers due to its potential to be more transmissible than the wild type BA.5 and immune evading properties,” ayon sa pahayag noon ng DOH.
Ang mga kasong naitatala sa China ay pinaniniwalaan na aabot sa daan milyon na base sa mga pigura na inilalabas ng mga regional authorities nila.
Sa kabila ng banta ng BF.7, may liwanag na nakikita si Leachon sa Pilipinas partikular sa higit nang 73 milyong indibidwal na fully-vaccinated na habang 21 milyon sa mga ito ang may booster shot na.
“The only problem that we see right now is the lack of a secretary of health that can really guide us on the strategic goal for [2023],” saad pa ni Leachon.
“I think we’ll be able to sail through this particular threat coming from the BF.7 and of course, the looming surge of cases in China,” dagdag pa niya. (BISHOP JESUS “JEMBA” BASCO)
Other News
  • Ex-PNP chief ‘tumulong’ sa pagtakas ni Alice Guo

      ISANG dating hepe ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y tumanggap ng suhol para tulungang makalabas ng bansa sina dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo at ang kanyang mga kapatid kahit na nasa ilalim na sila ng immigration lookout bulletin.     Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Committee on Women, Children, Family Relations at […]

  • Diaz bababa ng timbang sa 2024 Paris Olympics

    INALIS ng International Weightlifting Federation (IWF) ang women’s 55-kilogram division para sa 2024 Olympic Games sa Paris, France.     Dahil dito ay nagdesis­yon si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na lumipat sa mas mababang 49kg. category sa kanyang pagsabak sa nasabing quadrennial event.     Sa kabila ng pagkaka­roon ng coronavirus di­sease (COVID-19) […]

  • Action plan sa pagpapaluwag sa trapiko sa Metro Manila, inilatag

    NAGKASUNDO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang 17 local government units sa Metro Manila, at mga pambansang ahensya na responsable sa pamamahala ng trapiko sa kalakhang lungsod na maisakatuparan ang pagpapatupad ng limang taong action plan para mabawasan ang pagsisikip sa Metro Manila, ang sentro ng ekonomiya at negosyo ng bansa.     Sa […]