BFP fire truck bidding, iimbestigahan ng DILG
- Published on December 23, 2022
- by @peoplesbalita
IIMBESTIGAHAN ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang di umano’y “restrictive” bidding process ng Bureau of Fire Protection (BFP) para sa fire trucks nito.
Nauna na kasing naghain ang Makabayan Bloc ng batas na nananawagan at humihiling ng imbestigasyon sa procurement proces sa BFP, sabay sabing ang “restrictive procurement process practically gives undue advantage since 2018 to only two joint venture entities.”
“Gagawain po namin ngayon, co-conduct kami ng sarili naming investigation para malaman naming kung anong mga nangyari nung nakaraan, and sa ngayon po naman, mayroon pong mga complaints o charges na nai-file sa Ombudsman,” ayon kay DILG Undersecretary for Public Safety Serafin Barretto Jr.
Ani Barretto, inihain ang reklamo laban sa BFP at sa Bids and Awards Committee members nito subalit hindi na pinalawig pa kung sinong mga opisyal ang sinampahan ng kaso at kung anong kaso ang inihain laban sa kanila.
Wala rin siyang ideya kung sino ang naghain ng reklamo kanino.
At dahil ang BFP ay nasa ilalim ng hurisdikayon ng DILG, sinabi ni Barretto na nakikipag-ugnayan na sila sa bureau ukol sa usapin.
“Sinasabi nila na ligal ang kanilang mga process dahil independent procuring entity naman talaga sila,” ang wika ni Barretto.
Nauna rito, hiniling ng Makabayan Bloc sa House Committee on Good Government and Public Accountability na maimbestigahan ang kuwestiyunableng bidding process sa pagbili ng firetruck ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Sa House Resolution No 10 na inihain ng Makabayan Bloc ipinunto nito na nagpatupad ng limitasyon ang BFP sa kung sino lamang ang maaaring makasali sa bidding kaya ang naging resulta ay dalawang kumpanya lamang ang nakalahok.
“Among the restrictions imposed by BFP is limiting the qualified bidders to those that had been engaged in the manufacture or assembly of fire trucks and/or rescue truck vehicles for at least 15 years in the Philippines prior to the opening of the bids, the restrictive procurement process practically gives undue advantage to only two joint venture entities: JROG MARKETING (JROG) which carries the Isuzu brand of engine, cab and chassis and F. CURA INDUSTRIES (CURA), which carry the Hino brand engine, cab and chassis,” paliwanag ng Makabayan Bloc.
At nang tanungin ukol dito, sinabi ni Barretto na binasura na ang probisyon ngayong taon sa ilalim ng bagong administrasyon.
“Sa ngayon po, natigil na po ‘yan. Sa new term of reference, wala pong ganong requirements na 15 years,” ani Barretto.
Samantala, welcome naman sa DILG ang panukalang imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
“Welcome naman ‘yan para sa amin. Mas maganda nga ‘yon eh, para mas malinaw sa taumbayan na ayan, may ginagawa ang pamahalaan para labanan kung may anomalya,” ayon kay Barretto. (Daris Jose)
-
Digital Sports, ilulunsad ng Milo
Mahirap ang walang ehersisyo o aktibidad ang mga bata ngayong panahon ng pandemic at dahil bawal silang lumabas at magsama-sama para man lang makadalo sa mga sports clinic, nakaisip ng paraan ang Milo Philippines na gawing digital ang sports program nila. Sa pamamagitan ng digital platforms, nakatakdang ipaliwanag ni Lester P. Castillo, Asst. VP […]
-
Mark Caguioa hindi makakasama ng Ginebra sa PBA Philippine Cup
HINDI makakasama ng Barangay Ginebra sa 2022 Philippine Cup ng PBA si Mark Caguiao. Kinumpirma ito ng koponan na hindi makakasama ang dating PBA Most Valuable Player sa pagsisimula ng bagong conference sa Hunyo 5. Sinabi ni Ginebra team governor Alfrancis Chua na may mga aayusin lamang ito subalit hindi na […]
-
‘Project Ligtas Eskwela’ ng QCPD, tagumpay
TINIYAK ng Quezon City Police District (QCPD) na palalawakin pa nila ang pagpapatupad ng “Project Ligtas Eskwela” na layong matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa lungsod. Ang paniniyak ay ginawa ni QCPD Director PCol. Melecio M Buslig, Jr., matapos na maging matagumpay ang isinagawang programa mula Oktubre 22 hanggang 28. Ayon […]