• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BI, magsasagawa ng servive caravan sa Iloilo

ANUNSIYO  ng Bureau of Immigration (BI) ang pagsasagawa nila ng second leg ng kanilang nationwide caravan sa Iloilo.

 

 

Ang Bagong Immigration Service Caravan ay isasagawa sa Seda Hotel sa  Iloilo ngayong Abril 17.

 

 

Ayon sa BI, layon nito na mabigyan ng maluwag na pribilehiyo sa mag serbisyo sa mga dayuhan sa piling lugar sa Pilipinas.

 

 

“We wish to bring our services closer to the people,” sabi ni  BI Commissioner Norman Tansingco   “Apart from our online services, we are also visiting key cities to facilitate immigration compliance,”  dagdag pa nito.

 

 

Ang nasabing service caravan ay iikot sa pangunahing rehiyon sa buong bansa at mag-aalok ng mabilis na pagpo-proseso para sa iba’t ibang transaksyon  kabilang ang tourist visa extensions, exit clearances, dual citizenship applications, at iba pang mga clearances.

 

 

Dahil  sa pagbibigay ng direktang serbisyo sa tao ay mababawasan ang mahabang pagpoproseso gayundin ang pagbiyahe.

 

 

Dagdag pa dito, ay maaari nang makapagsampa ng reklamo sa isang illegal na dayuhan a  mga pang-aabuso sa pamamagitan ng caravan.

 

 

“As part of our #ShieldKids Campaign, we have intelligence personnel joining our caravan to receive information from community members regarding foreign sexual predators and sex tourists that might be plaguing their area,”  dagdag pa ng BI Chief.

 

 

“This represents a significant milestone in our ongoing efforts to improve our services by making these more accessible, both online and offline,” ayon pa kay Tansingco.

 

 

“By bringing our services directly to the communities we serve, we aim to enhance accessibility, efficiency, and transparency in our operations, ultimately contributing to a safer and more secure Philippines,” dugtong pa ng BI Chief.

 

 

Ang caravan ay nagsimula sa Zamboanga City noong March 6 habang at ang Iloilo leg ay bukas mula alas-7 ng umaga hanggang l 5:30 ng hapon.

 

 

Hinikayat ng BI na samantalahin ang serbisyo nito na inaalok

 

 

Para sa karagdagang kaalaman o updates sa serbisyo ang mga aplikante ay maaring  bumisita sa  official website ng  Bureau of Immigration sa  www.immigration.gov.ph. GENE ADSUARA

Other News
  • Dahil mataas ang ratings at walang pagkakautang: ‘It’s Showtime’ nina VICE GANDA, mare-renew pa rin ang kontrata sa GMA

    FROM a reliable source ay mukhang magkaroon na ng renewal ng Kapamilya noontime show na ‘It’s Showtime’ sa GMA-7.     Hanggang December na lang kasi ang contract ng blocktimer show nina Vice Ganda under GMA.     May lumabas pang tsikang mawawala na raw ang ‘Its Showtime’ sa Siyete pero itinanggi ito nang kausap […]

  • Aminadong may pasulyap-sulyap na date: IVANA, ipinagdiinang single pa rin at walang sinisirang pamilya

    IPINAGDIINAN ni Ivana Alawi na single na single pa rin siya hanggang ngayon dahil wala raw siyang time na harapin ang kanyang buhay pag-ibig. “Wala nga akong time sa sarili ko, kahit nga sa family ko, minsan hindi kami nagkakasabay kumain,” pag-amin ng aktres at vlogger sa naganap na thanksgiving party niya para sa entertainment media kahapon, March 7, […]

  • GINANG TUMAWID SA KALSADA, PATAY

    NASAWI ang isang 49-anyos na ginang  nang nabangga ng sasakyan habang tumatawid sa kalsada sa Intramuros Maynila Linggo ng hapon.     Naisugod pa sa Ospital ng Maynila ang biktimang si  Rodella Florintino Litaw, walang asawa ng Brgy 658 Intramuros Manila subalit dakong alas-3:23 kamakalawa ng hapon ay nalagutan ito ng hininga.     Kinilala […]