BI, NANANATILING NAKA-FULL FORCE
- Published on November 2, 2022
- by @peoplesbalita
NANANATILI pa rin na nasa “full force” Bureau of Immigration (BI) para sa dagsa ng mga pasahero na bumibiyahe papasok at palabas ng bansa dahil sa Undas.
Sinabi no BI Commissioner Norman Tansingco na ang kanilang frontline personnel ay nananatiling nasa heightened alert at tiniyak na may sapat silang tao upang pagsilbihan ang pangangailangan ng publiko sa kabila ng dumating na bagyong Paeng.
“Our officers remain in full force to avoid service interruptions during this long Undas weekend. This is so our border security is not compromised amid passenger influx,” ayon kay Tansingco.
Ayon pa kay Tansingco, na naglagay pa siya ng karagdagang tauhan sa airport upang masigurong nababantayan ang mga counters ng port.
“Despite the adverse weather, our immigration officers remain on duty to serve the traveling public,” ayon kay Tansingco. “Many of them brave strong rains and flood just to be able to report for duty and perform our mandate,” dagdag pa nito.
Pinuri naman ni Tansingco ang serbisyo ng kanyang mga frontline personnel na nagseserbisyo sa kabila ng mahabang bakasyon at holidays.
“We remain true to our duty as public servants and will ensure that we continue providing quality service,” ayon kay Tansingco. (Gene Adsuara)
-
Bierria, iniiwasan ng Cignal ang pagbagsak, natigilan ang Petro Gazz sa 5
Nakaiwas ng malaking abala ang Cignal, pinabagsak ang Petro Gazz sa limang set, 25-22, 34-32, 15-25, 16-25, 15-13, upang palakasin ang kanilang semis bid sa 2022 Premier Volleyball League Reinforced Conference, Huwebes sa ang Smart Araneta Arena. Pinangunahan ng American reinforcement na si Tai Bierria ang HD Spikers na may 19 puntos sa 18 […]
-
TAYLOR SWIFT, nagwagi ng Album of the Year sa ‘63rd Grammy Awards’; BEYONCE, naka-break ng record
GINANAP na ang 63rd Grammy Awards sa Los Angeles as hosted by Trevor Noah. Sa Los Angeles Convention Center ang naging venue ng awards night. At dahil sa COVID-19 pandemic, walang audience ang Grammy at ang pinadalo lang ay ang mga performers, nominees and presenters. Mga nag-perform ay sina Bad Bunny, […]
-
Manggagawa ng gobyerno ng tatamaan ng ‘rightsizing’, maaaring mag- apply para sa bagong posisyon
SINABI ng The Department of Budget and Management (DBM) na ang panukalang “rightsizing” sa gobyerno ay target na isumite sa Kongreso bago pa ang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “Aayusin po ng programang ito ‘yung mga ahensya na mayroong repetitive functions or overlapping functions,” ayon […]