BI, SUSUNOD SA 60% WORK CAPACITY
- Published on January 6, 2022
- by @peoplesbalita
TATALIMA ang Bureau of Immigration (BI) sa 60% on-site work capacity mula January 3 hanggang 15.
Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente, it’y bilang pagsunod sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kung saan inilagay ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 3.
“As an effect, all BI offices in NCR shall be operating during weekdays, and will observe a 60% on-site work capacity, while adopting applicable alternative work arrangements,” ayon kay Morente..
Nauna dito, nag-ooperate ang BI ng 50% at 70% skeleton workforce.
Inanunsiyo rin ni Morente na ang mga kanilang fully vaccinated clients ay mananatiling exempted mula sa BI’s online appointment system, subalit kinakailangan nilang ipakita ang kanilang vaccination cards o certification upang makapasok habang ang mga hindi bakunado ay kinakailangang mag-set ng appointments online.
Dinagdag pa ni Morente na ang mga dayuhan na nagre-report para sa Annual Report 2022 ay kinakailangang kumuha ng appointment via http://e-services.immigration.gov.ph/.
Ipinapatupad din ang mahigpit na pagsunod sa health and safety protocols kung makikipag-transaksiyon sa kanilang opisina. GENE ADSUARA
-
SOURCE CODE HAWAK NA NG BANGKO SENTRAL
HAWAK na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang source code para sa automated election system (AES). Ang dalawang security boxes ay inabot nina Commission on Elections Executive Director Bartolome Sinocruz at Atty. John Rex Laudiangco, director ng Comelec Law Department, sa mga kinatawan ng central bank sa isang seremonya na ginanap sa […]
-
Hirit ng grupo ng provincial bus, pinag-uusapan na ng IATF- Nograles
PINAG-UUSAPAN na ng Inter-Agency Task Force (IATF) at mga piling ahensiya ng pamahalaan ang apela ng grupo ng provincial bus sa gobyerno na full operation sa Kapaskuhan. “Kumbaga, mag-uusap about the concern at issues po tungkol diyan. And sa lalong madaling panahon, hopefully, we’ll be able to come up with the program soon,” ayon […]
-
Pagtanggal ng pagtuturo ng ‘mother tongue’ bilang asignatura, hindi pa pinal – Department of Education
NILINAW ng Department of Education (DepEd) na hindi pa pinal ang pagtanggal ng pagtuturo ng mother tongue o sariling dialect bilang asignatura. Ito ay dahil kasalukuyang nakabinbin pa ang paglalabas ng final curriculum para sa Kinder to Grade 10 (K-10) program. Ginawa ni DepEd spokesperson Michael Poa ang naturang pahayag kasunod […]