• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bicam laban sa pag-abusong sekswal at iba pa, niratipikahan ng Kapulungan

MGA ULAT ng bicam laban sa pag-abusong sekswal sa mga kabataan sa online, pagrepaso ng edukasyon sa Pilipinas at pagpapalakas sa sistemang pinansyal sa agrikultura, niratipikahan ng kapulungan

 

 

Niratipikahan nitong Lunes ng kamara, ang ulat ng bicameral conference committee sa mga magkakasalungat na probisyon ng House Bill 10703 at Senate Bill 2209, na magpapalakas sa pangangalaga ng  mga kabataan laban sa pag-abusong sekswal at pagsasamantala sa online.

 

 

Kapag naisabatas, ang sinumang lalabag sa batas ay pagbabayarin mula P200,000 hanggang P2-milyon, at papapatawan ng parusang pagkabilanggo.

 

 

Bukod dito, ang mga sindikato at malawakang paglabag ninoman ay mabibilanggo at pagbabayarin ng multang P5-milyon hanggang P20-milyon.

 

 

Sa ilalim ng batas, ang Philippine National Police at National Bureau of Investigation ay magkatuwang na makikipag-ugnayan sa mga ahensiya ng mga dayuhang nagpapatupad ng batas, para sa mabilis na palitan ng mga impormasyon, mga nakagawian, at magkasanib na imbestigasyon.

 

 

Lilikha rin ng Congressional Oversight Committee upang mamonitor at matiyak ang epektibong pagpapatupad, kabilang na ang pagrerekomenda ng karampatang lehislasyon at mga panukalang administratibo, at iba pa.

 

 

Niratipikahan din ang mga ulat sa bicameral conference committee ng mga sumusunod: 1) HB 6134 at SB 2494, na nagpapalakas sa sistemang pinansyal para sa agrikultura, pangingisda at kaunlaran ng mga kanayunan sa Pilipinas, at 2) HB 10308 at SB 2485, na lilikha sa Congressional Oversight Committee on Education, na magrerepaso sa kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas at magrerekomenda ng mga makabagong reporma sa polisiya. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Panukalang P5.3-T budget gagamitin para pabilisin ang e-governance- DBM

    GAGAMITIN ang panukalang P5.268-trillion national budget para sa 2023 para sa  transformation at digitalization ng government processes, records, at databases sa pamamagitan ng e-governance.     Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na kabilang ang mga Ito sa “top priorities” sa ilalim ng administrasyong  Marcos.     “Through digital transformation, our bureaucracy can improve the […]

  • Brent Paraiso nagbabu na sa Letran Knights

    PAGKALARO sa dalawang magkakaibang collegiate league at makatikim ng gayung dami ng kampeonato, pro rank na ang bet sa papasok na taon ni Brent Paraiso ng bagong koronang 98th National Collegiate Athletic Association 2022 seniors basketball three-peat champion Letran Knights.     Kasapi rin siya ng La Salle Green Archers na namayagpag sa 79th University […]

  • South Korea, No. 2 sa COVID-19

    Umakyat na sa 156 ang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus (COVID-19) sa South Korea.   Nadagdagan pa ng 52 ang kumpirmadong kaso ng virus, ayon sa naitalang record nila.   Bunsod nito, ang South Korea ang itinuturing na pinakagrabeng tinamaan ng virus sa labas ng China.   Iniuugnay ang patuloy na pagtaas ng bilang ng […]