Bicam report sa extended producer responsibility sa plastic products, niratipikahan
- Published on May 30, 2022
- by @peoplesbalita
NIRATIPIKAHAN ng Kamara ang bicameral conference committee report kaugnay sa magkakaibang probisyon ng extended producer responsibility sa mga produktong gawa sa plastic.
Ang magkakaibang probisyon ay nakapaloob sa House Bill 10696 at Senate Bill 2425 o panukalang “Extended Producer Responsibility Act of 2022,” amending for the purpose Republic Act 9003 o ang “Ecological Solid Waste Management Act of 2000.”
Kapag naging ganap na batas, magkakaroon ng extended producer responsibility (EPR) mechanism para sa mas epektibo at espisyenteng paraan ng waste management, waste reduction, recovery and recycling, internationally accepted principles on sustainable consumption and production, circular economy, at producers’ full responsibility sa buong life cycle of their ng kanilang plastic products.
Nakapaloob pa sa panukala ang depinisyon ng circular economy bilang isang economic model para sa pagpapalawig ng product lifespan sa pamamagitan ng improved design at servicing.
Samantala, inaprubahan din ng kamara sa ikalawang pagbasa ang HB 9165 para sa pagpapalawig ng life span ng Philippine Aerospace Development Corporation (PADC) ng dagdag 25 taon.
Layon ng panuala na mapalakas ang kapabilidad ng ahensiya at pasiglahin ang local o regional air passenger at cargo transport. (ARA ROMERO)
-
Pamahalaan naghahanap pa ng ibang rail financing mula sa ibang bansa
Naghahanap pa ng ibang rail financing sources ang pamahalaan mula sa ibang bansa matapos magbigay ng exorbitant rates sa interest ang bansang China. Samantala patuloy na nakikipag negotiate pa rin naman ang pamahalaan sa bansang China para sa mga proyekto sa railways habang naghahanap na rin ng ibang funding sources ang Pilipinas. […]
-
No such thing as COVID-19 vaccination exemption cards- Nograles
HINDI magpapalabas ang pamahalaan ng COVID-19 vaccination exemption cards na naglalayong payagan ang mga hindi bakunadong indibiuwal laban sa coronavirus na lumabas ng kanilang bahay sa gitna ng nagpapatuloy na surge ng kaso. Ito ang inihayag ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles habang ipinatutupad sa Kalakhang Maynila ang “No Vax, […]
-
Pagkaka-aresto sa drug pusher sa San Miguel, Manila pinuri ni PBBM
PINURI ng Malakanyang ang mga awtoridad sa pagkaka-aresto sa pinaghihinalaang drug pusher sa isang residential area sa Malacañang Complex sa San Miguel, Maynila. Sa isang kalatas, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ang pagkaka-aresto sa drug pusher ay sumasalamin sa walang tigil at matatag na pagpapasa Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at […]