BICC, pinalabas na ang huling pasyente na nagkaroon ng COVID-19
- Published on May 28, 2022
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS- Matapos ang dalawang taon na paggamot at pag-aalaga sa mga pasyenteng may COVID-19, nakalabas na sa Bulacan Infection Control Center ang huling pasyente na nagkaroon ng COVID kahapon.
Nagsagawa si Provincial Health Officer II Dr. Hjordis Marushka Celis kasama ang mga duktor, nars, at kawani ng pangunahing pasilidad na pang-COVID sa lalawigan ng munting send-off ceremony para sa lalaking 45 taong gulang na siyang huling pasyenteng nagka COVID sa ospital.
Bagaman hindi ibig sabihin na tuluyan nang natalo ang COVID-19 sa lalawigan, naniniwala pa rin si Gobernador Daniel R. Fernando na malaking milyahe ito sa laban ng lalawigan laban sa nakamamatay na virus.
“Marahil sariwa pa sa alaala natin ang mga panahon na walang kasiguraduhan kung kailan o paano matatapos ang laban natin na ito. Ngunit ang pangyayari ngayong araw ay isang hudyat ng pag-asa. Pag-asa na matapos ang dalawang taon, tanaw na natin ang liwanag na bunga ng ating sama-samang pagsusumikap,” anang gobernador.
Pinasalamatan rin ni Fernando ang mga health worker at frontliner ng BICC na walang kapaguran na naglingkod para sa mga Bulakenyo.
“Walang kapantay ang pagsaludo at paghanga ng inyong lingkod sa ating mga health workers at frontliners na silang naging ating primerong depensa laban sa COVID-19. Sila ang numero unong dahilan kung bakit paulit-ulit nating nagapi ang sakit na ito,” aniya.
Nakapag-admit ang BICC ng kabuuang 9,508 pasyente simula ng magbukas ito noong Mayo 2020.
Karamihan sa mga aktibong kaso ay nakararanas ng mild na mga sintomas at naka-isolate sa mga quarantine facility o sumasailalim sa home quarantine.
Noong Mayo 25, 2022, dalawang aktibong kaso ng COVID ang naka-admit sa ibang pribadong ospital.
Samantala, noong Mayo 23, 2022, nagtala ang Bulacan ng 82 kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID at 13 bagong mga kaso.
Ayon sa Provincial Health Office-Public Health, ang lalawigan ay may 109,487 kabuuang beripikadong kaso ng COVID, 107,709 paggaling, at 1,696 pagkamatay. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
DILG magpapalabas ng guidelines ukol sa pre-campaign period activities
MAGPAPALABAS ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng guidelines sa local government units (LGUs) hinggil sa mga aktibidad ng electoral candidates bago pa magsimula ang campaign period sa Pebrero ng susunod na taon. “Ako mismo maglalabas ako ng guidelines para sa mga LGUs ano ‘yung mga panuntunan kapag may caravan at […]
-
PBBM, tumungo ng Cambodia para dumalo sa 41st ASEAN Summit
NAGTUNGO sa Phnom Penh, Cambodia si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ito’y upang dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits na kung saan ay inaasahang ilalatag ng Pangulo ang patungkol sa post-pandemic economic recovery at iba pang prayoridad. Kabilang dito ang food security, energy security, digital transformation, digital economy at Ang […]
-
Bus terminal sa Quezon City, tinupok ng apoy
TINUPOK ng apoy ang isang bus terminal sa Cubao, Quezon City hapon ng Pebrero 9, Huwebes. Batay sa inisyal na ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-4:46 ng hapon nang sumiklab ang sunog sa Araneta bus terminal na matatagpuan sa Time Square St., Brgy Soccoro, Quezon City. […]