Biden, iaanunsiyo panibagong sanctions vs Russian lawmakers sa emergency summit ng NATO alliance
- Published on March 25, 2022
- by @peoplesbalita
DUMATING na sa Brussels si US President Joe Biden para sa isasagawang emergency meeting kasama ang mga leader ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) kaugnay sa nagpapatuloy na Russian war sa Ukraine.
Panibagong sanctions laban sa daan-daang miyembro ng State Duma, ang lower house ng Russian Parliament kaugnay ang inaasahang iaanunsiyo ni Biden.
Dumating i Biden nitong Miyerkules ng gabi sa Brussels at inaasahan din na magpapataw ang US at NATO allies ng mas mabigat pang mga sanctions laban kay Russian President Vladimir Putin.
Ilan pa sa mga pag-uusapan ng world leaders ay ang “next phase” ng military assistance sa Ukraine, pagpapalawig at pagpapataw ng economic sanctions at pagpapalakas pa ng depensa ng NATO alliance sa border nila ng Russia ayon kay White House national security adviser Jake Sullivan.
Samantala, inihayag naman ni NATO Secretary General Jens Stoltenberg na kanilang aaprubahan ang pagpapadal ng mas marami pang pwersa sa eastern Europe.
Aniya, apat na panibagong battlegroups ang ipapadala sa Slovakia, Hungary, Bulgaria at Romania.
-
Pinoy boxer Carlo Paalam, balik-ensayo na
SINIMULAN na ni Pinoy Olympian boxer Carlo Paalam ang kaniyang training. Sa mga larawan na ibinahagi nito sa social media ay makikitang nagsagawa ito ng cardio exercise sa sinilngang bayan nitong Cagayan de Oro City. May caption pa ito na tapos na ang kaniyang bakasyon at balik na ulit ito sa […]
-
MAJA, ‘di pa pinag-iisipan kung tuluyan nang magiging Kapuso
MARAMING nagtatanong kung hindi pa ba magiging Kapuso si Maja Salvador? Sa ngayon kasi ay napapanood si Maja daily sa Eat Bulaga, may sarili siyang segment doon, ang dance contest na “DC2021: Maja On Stage” na may three days silang live, Thursdays to Saturdays, na pagkatapos ay nagti-tape naman sila ng three days […]
-
Suspensiyon sa deliberasyon sa pondo ng PCOO, pinalagan ni PCOO Usec. Badoy
Unfair! Ito ang naging pahayag ni PCOO Undersecretary Lorraine Badoy matapos suspendihin ang budget hearing na may kinalaman sa proposed budget ng Presidential Communications Operations Office (PCOO). Ayon kay Badoy, hindi makatuwiran na nagkaroon ng delay sa budget deliberation na ayon sa Makabayan bloc ay dapat lang na isisi sa kanya. Giit […]