• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Biden, magpapadala ng ‘first-of-its-kind’ presidential trade mission sa Pinas

MAGPAPADALA si  United States President Joe Biden ng  trade at investment mission sa Pilipinas. 
Inanunsyo ito ni Biden  matapos makipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Oval Office o formal working space ng una  sa Estados Unidos.
“We’re gonna announce today that I’m sending a first-of-its-kind presidential trade and investment mission to the Philippines,” ayon kay Biden.
Base sa kanilang joint statement, magpapadala si Biden ng Presidential Trade and Investment Mission sa Pilipinas sa ngalan niya  “to enhance U.S. companies’ investment in the Philippines’ innovation economy, its clean energy transition and critical minerals sector, and the food security of its people.”
Kapuwa inanunsyo rin ng dalawang lider na ang Estados Unidos at Pilipinas ay tatayong  co-host ng 2024 Indo-Pacific Business Forum – United States’ marquee commercial event sa rehiyon, sa Maynila.
“[This] will further establish the Philippines as a key hub for regional supply chains and high-quality investment,” ang nakasaad sa joint statement.
“Additionally, the two countries will pursue engagements with stakeholders, including in the business and social sectors, regarding opportunities to enhance bilateral economic engagement in a manner that is worker-centered, sustainability-driven, fair, and transparent, focusing on sectors in which it is critical to develop resilient supply chains and in which significant and meaningful economic value-added and employment can be generated in the United States and the Philippines,” dagdag pa nito.
Nauna rito, nabanggit ng Punong Ehekutibo na ang kanyang official visit sa Estados Unidos ay nangangahulugan ng panliligaw sa mga posibleng  investors sa Pilipinas.
Sinabi naman ni  Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na ang nakaraang  high-level meeting sa pagitan ng mga opisyal ng  Pilipinas at Estados Unidos ay magbubukas ng bagong channels para sa malakas na kalakalan at investment relations. (Daris Jose)
Other News
  • PBBM, gustong muling buksan ang kasong estate tax laban sa pamilya Marcos

    NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na muling buksan  ang kaso kaugnay sa sinisingil na estate tax sa pamilya Marcos na noong 1991 ay nagkakahalaga ng mahigit P23 bilyong piso.        “Open the case and let us argue with it. So that all of the things that we should have been able to say […]

  • Omicron isa ng dominant variant sa bansa – DOH

    ITINURING na ng Department of Health (DOH) na isa ng dominant variant sa bansa ang Omicron coronavirus.     Sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na ito ay base sa isinagawa nilang genome sequencing.     Base kasi sa genome sequencing na isinagawa noong Enero 3, na 29 sa kabuuang 48 samples ay nakitaan […]

  • PDu30, nananatiling committed na tapusin ang ‘abusive’ work scheme

    NANANATILING masigasig at committed si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tapusin ang “abusive” o mapang-abuso na work arrangements sa bansa.     Ito’y matapos na magpahayag ng pagkadismaya si vice presidential aspirant Senate President Vicente Sotto III sa sinasabing pagkabigo ni Pangulong Duterte na tuparin ang kanyang pangako na itigil ang “unfair contractualization practices” makaraang […]