Biden on Putin: ‘For God’s sake, this man cannot remain in power’
- Published on March 28, 2022
- by @peoplesbalita
BINALAAN ni US President Joe Biden si Russian President Vladimir Putin na huwag magbalak na lumapit sa teritoryo ng NATO (North Atlantic Treaty Organization).
Sa kanyang talumpati sa pagbisita nito sa Poland, sinabi ng US president na hindi magdadalawang isip ang US at mga NATO members na gumawa rin ng nararapat na hakbang.
Paglilinaw din nito na sa nagaganap na kaguluhan sa pagitan ng Ukraine at Russia ay hindi makikiialam ang US.
Nasa Europe aniya ang sundalo ng US para ipagtanggol ang NATO.
Iginiit pa nito na hindi na nararapat na maging pangulo pa ng Russia si Putin.
“For God’s sake, this man cannot remain in power.”
Nanawagan din ito na dapat magkaroon na ng agarang halalan sa Russia para mapalitan na ang pamumuno ni Putin sa puwesto.
Magugunitang sinabi noon ni US Secretary of State Antony Blinken na hindi nila layunin na masibak sa puwesto si Putin dahil nasa desisyon ng mga mamamayan ng Russia kung sino ang kanilang pipiliin na mamumuno sa kanilang bansa.
-
Pope sa pagpanaw ni P-Noy: ‘I commend his soul into the hands of God…’
Maging si Pope Francis ay nalungkot sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Sa kalatas na ipinadala sa Malacañang, nakikidalamhati ang Santo Papa sa pagpanaw ng dating pangulo ng bansa. Tiniyak ng 84-year-old pontiff ang pagdarasal para sa namayapang dating pangulo ng bansa. “Recalling the late president’s […]
-
FIFA ikinalungkot ang nangyaring riot sa football match sa Indonesia
ITINUTURING ng football governing body na FIFA na isang nakakalungkot sa mundo ng soccer ang nangyaring kaguluhan sa isang football game sa Indonesia na ikinasawi ng 125 katao. Naganap ang insidente nitong gabi ng Sabado ng matalo ang Arema Football Club sa Persebaya Surabaya sa East Java kung saan dahil sa kapikunan ay […]
-
Ads July 25, 2024