• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Big factor ang communication sa relationship: MIGUEL, gabi-gabing tinatawagan si YSABEL noong nasa South Korea

GABI-GABING kausap ni Miguel Tanfelix si Ysabel Ortega kahit nasa South Korea siya ng forty three days para sa shoot ng ‘Running Man Philippines Season 2.

 

 

 

Lahad ni Miguel, “Iyon naman po yung compromise naming dalawa since forty three days ako sa Korea. “Parang every night, tinatawagan ko siya, talked about our day. O kaya, ‘Good night,’ ganyan.

 

 

 

“Tapos kunyari may episode kami, ikukuwento ko talaga sa kanya from start to finish kung papano itinakbo ng buong episode.

 

 

 

 

Inamin ni Miguel na nalungkot siya sa mga unang araw niya sa South Korea.

 

 

 

 

Pero nakatulong naman at nagdulot ng maganda na naranasan nila ni Ysabel na mahiwalay sa bawat isa nang mahigit isang buwan.

 

 

 

 

“Nalungkot po. Pero sabi ko naman po kay Ysabel na challenge din yun sa relationship namin kung kaya namin mag-LDR [long distance relationship].

 

 

 

 

“Kasi, may mga relationships na strong lang sila pag nakikita nila ang isa’t isa. Pero pag matagal na nahiwalay, parang mahina.

 

 

 

 

“So, ako excited akong i-take yung challenge na iyon.”

 

 

 

Ano na ba ang estado ng relasyon nila?

 

 

 

 

“Ngayon, kami ni Ysabel, we’re doing really good. Yung relationship namin, sobrang strong. Siguro dahil na rin dito sa forty three days na nasa Korea ako.

 

 

 

 

“Dito namin nalaman na kaya naming mabuhay na malayo sa isa’t isa, as long as open ang communication namin, and trust sa isa’t isa. Malaking factor yun sa relationship namin, e.”

 

 

 

 

Napapanood tuwing Sabado, 7:15 pm at Linggo , 7:50 pm, ang iba pang runners ng Running Man Philippines Season 2 ay sina Mikael Daez, Glaiza De Castro, Lexi Gonzales, Buboy Villar, Kokoy De Santos at Angel Guardian.

 

 

 

***

 

 

 

MY dear editor Rohn Romulo, ikatutuwa mo ang balitang ito.

 

 

 

Bukod sa Nailandia ay binuksan na rin nina Noreen Divina at Juncynth Divina ang SKINLANDIA!

 

 

 

 

Dito ay hindi paa, kamay at kuko lamang ang aasikasuhin ng kanilang mahuhusay na staff kundi buong pagkatao, este katawan mo, pati buhok!

 

 

 

 

Yes, halos lahat ng klase ng treatment at wellness ng balat at buhok ay maaaring i-avail.

 

 

 

 

Halimbawang manipis ang buhok, merong expert solutions ang Skinlandia, ang Exosomes for the hair. Very affordable ang exosome therapy para sa “healthier, fuller hair”!

 

 

 

 

Ang SKINLANDIA ay isang “cutting-edge dermatology and plastic surgery clinic that offers a sanctuary for relaxation and rejuvenation”.

 

 

 

 

Susyal, di ba?

 

 

 

 

Mahuhusay ang mga doktor at espesyalista sa naturang clinic ni Noreen na “dedicated to enhancing your natural beauty, utilizing the most modern and state-of-the-art machines available”.

 

 

 

 

Kung anuman ang pangangailangan niyo, rejuvenating facial, o simpleng enhancement, o isang bonggang transformative procedure, handa ang team ng SKINLANDIA na ialay sa publiko ang the best nilang serbisyo.

 

 

 

 

At higit sa lahat ay open for franchise ang SKINLANDIA sa murang halaga!

 

 

 

 

Kaya tumawag, mag-text o mag-Viber na sa 0995 577 0628, 0915 106 0888, (02) 8282 4306 at mag-Viber sa +63.917.868.8550 para sa mga detalye. May branches na ang SKINLANDIA sa SM City Fairview at SM Jazz Residences.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Tulak timbog sa baril at P408K shabu sa Caloocan

    KALABOSO ang isang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng baril at mahigit P.4 milyon halaga ng shabu nang maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang naarestong suspek na si Marvin De Vera alyas “Bigboy”, […]

  • Cristiano Ronaldo, tinanghal bilang highest paid football player ng Forbes

    Tinanghal bilang highest-paid football player ng Forbes magazine si Manchester United Forward Cristiano Ronaldo.     Dahil dito ay nahigitan niya si Lionel Messi.     Base sa Forbes sa mayroong kabuuang kita ito na $125 milyon kung saan $70 milyon ay mula sa kaniyang sahod at bonuses.     Habang mayroong $110-M naman na […]

  • Pope Francis muling ipinagdasal ang mga kaguluhan sa Ukraine

    PINANGUNAHAN ni Pope Francis ang pagdarasal para sa kapayapaan sa Ukraine.     Sa kanyang lingguhang Angelus prayer sa St. Peters’ Square sa Vatican, sinabi nito na lubhang nakakabahala ang mga pangyayari sa Ukraine.     Nanawagan ito sa mga pulitiko doon na dapat maging prioridad ang kapayapaan para sa kapakanan ng kanilang mamamayan.   […]