Bigo ang mga umaasang ikakasal na: BEA, itinangging nag-prenup shoot sila ni DOMINIC sa Japan
- Published on January 15, 2024
- by @peoplesbalita
BIGO ang mga umaasa na ikakasal na sa lalong madaling panahon sina Bea Alonzo at Dominic Roque dahil sa prenup shoot daw ng dalawa sa Japan kamakailan.
Pasyal lamang at bakasyon ang ipinunta ng magkasintahan sa mga lugar sa Japan tulad ng Niseko, Otaru at Sapporo.
At dahil sa mga sweet photos na lumabas, inakala ng marami na iyon na ang prenup pictorial ng dalawa.
Kaya naman nilinaw agad ito ni Bea…
“Japan talaga yung favorite place namin,” umpisang pahayag ng aktres.
“Dun nag-start kasi yung love story namin. Yung pinunta namin is to ski. So, it was memorable kasi ang dami kong falls, ang dami kong ano. But then, everyday I was getting better.”
Sa ngayon, sa trabaho muna naka-focus si Bea, kaabang-abang nga ang pagsasama nila ng isa pang reyna ng GMA, si Carla Abellana sa “Widows’ War”.
Kuwento ni Bea, “It’s going to be an exciting soap because it’s my first time doing this genre.
“Yung ‘whodunit’ genre. Medyo dark siya, normally, nalilinya ako sa romcom or drama na heavy. But first-time na medyo dark.
“Nasa edge ka ng seat mo, ganun yung ibibigay niyang feeling sa iyo.”
***
GOOD news para sa Global Pinoys dahil aabot na sa UAE at California, USA ang screening ng 2023 MMFF Best Picture awardee na ‘Firefly’.
Mapapanood na sa ilang sinehan sa UAE ang ‘Firefly’ simula January 18. Kasama rin ang pelikula sa Metro Manila International Film Festival sa Los Angeles, California na ipalalabas mula January 29 hanggang February 2.
Talaga namang parami na nang parami ang nakatutuklas kung saan matatagpuan ang mundo ng mga alitaptap. Kaya naman, mga Kapuso mula UAE at California, USA, huwag sayangin ang pagkakataon!
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Sotto malupit sa arcade game
TALAGANG buhay niya o nasa dugo niya ang basketball. Saan man makarating, basketbol pa rin ang hanap ng katawan ni National Basketball Association (NBA) prospect Kai Zahary Sotto. Bukod sa pagiging astig sa hardcourt, naghasik din ng shooting skills ang Pinoy phenom sa basketball arcade game. Ibinahagi ng 18-anyos sa kanyang latest Instagram story na […]
-
Pwedeng maging responsableng gamer sa DigiPlus
PINAIIGTING ng DigiPlus Interactive Corp. (DigiPlus), operator ng mga nangungunang digital platform gaya ng BingoPlus, ArenaPlus, at PeryaGame, ang tawag para sa responsableng mga gawi sa gaming, sa gitna ng pag-iimbita nito sa mga costumer na sumali sa kapana-panabik nitong mga handog. Bilang pinakamabilis na grupo ng digital entertainment sa bansa, hatid ng […]
-
19 katao patay matapos pagbabarilin sa Mexico
NASA 19 katao ang nasawi matapos na sila ay pagbabarilin sa central Mexico. Ayon sa State Attorney General’s Office, na agad nilang nirespondehan ng mga kapulisan ang tawag na mayroong bariliang naganap. Pagdating ng mga kapulisan ay lumantad ang 19 na bangkay. Karamihan sa mga biktima ay dumalo sa […]