• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bigo ang mga umaasang ikakasal na: BEA, itinangging nag-prenup shoot sila ni DOMINIC sa Japan

BIGO ang mga umaasa na ikakasal na sa lalong madaling panahon sina Bea Alonzo at Dominic Roque dahil sa prenup shoot daw ng dalawa sa Japan kamakailan.

 

 

Pasyal lamang at bakasyon ang ipinunta ng magkasintahan sa mga lugar sa Japan tulad ng Niseko, Otaru at Sapporo.

 

 

At dahil sa mga sweet photos na lumabas, inakala ng marami na iyon na ang prenup pictorial ng dalawa.

 

 

Kaya naman nilinaw agad ito ni Bea…

 

 

“Japan talaga yung favorite place namin,” umpisang pahayag ng aktres.

 

 

“Dun nag-start kasi yung love story namin. Yung pinunta namin is to ski. So, it was memorable kasi ang dami kong falls, ang dami kong ano. But then, everyday I was getting better.”

 

 

Sa ngayon, sa trabaho muna naka-focus si Bea, kaabang-abang nga ang pagsasama nila ng isa pang reyna ng GMA, si Carla Abellana sa “Widows’ War”.

 

 

Kuwento ni Bea, “It’s going to be an exciting soap because it’s my first time doing this genre.

 

 

“Yung ‘whodunit’ genre. Medyo dark siya, normally, nalilinya ako sa romcom or drama na heavy. But first-time na medyo dark.

 

 

“Nasa edge ka ng seat mo, ganun yung ibibigay niyang feeling sa iyo.”

 

 

***

 

 

GOOD news para sa Global Pinoys dahil aabot na sa UAE at California, USA ang screening ng 2023 MMFF Best Picture awardee na ‘Firefly’.

 

 

Mapapanood na sa ilang sinehan sa UAE ang ‘Firefly’ simula January 18. Kasama rin ang pelikula sa Metro Manila International Film Festival sa Los Angeles, California na ipalalabas mula January 29 hanggang February 2.

 

 

Talaga namang parami na nang parami ang nakatutuklas kung saan matatagpuan ang mundo ng mga alitaptap. Kaya naman, mga Kapuso mula UAE at California, USA, huwag sayangin ang pagkakataon!

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Aminadong naisip niya noon na mag-suicide: MATT, bumuti ang mental health nang mapasama sa ‘Voltes V’ team

    NAGING malaking tulong daw kay Matt Lozano ang mapasama sa ‘Voltes V: Legacy’ para bumuti ang lagay ng kanyang mental health.       Kung noon daw ay naisip pa niyang mag-suicide dahil sa nararamdaman niyang lungkot, ngayon daw ay parati na siyang masaya dahil sa kanyang trabaho.       “This show made me […]

  • Deadline para sa COVID-19 Emergency Loan application ng GSIS, pinalawig ng hanggang August 12

    Pinalawig ng isa pang buwan ng Government Service Insurance System (GSIS) ang panahon para sa filing ng applications sa COVID-19 Emergency Loan.   Sa isang statement, sinabi ni GSIS president at general manager Rolando Ledesma Macasaet na hanggang sa Agosot 12, 2020 pa maaring mag-file ng loan applications ang kanilang mga miyembro.   Ito ay […]

  • Guinto napasakamay ng RoS; Onwubere, Doliguez NP na

    PINAKAWALAN ng Rain or Shine ang dalawang malaki para sa isa lang.     Aprubado na kay Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Wilfrido Marcial ang pakikipagpalitan ng RoS sa NorthPort.     Ibinigay ng Elasto Painters sina Sidney Onwubere at Clint Doliguez sa Batang Pier para mabingwit si Bradwyin Guinto.     Sasama si Guinto […]