Bigo man sa titulong ‘Queen of the Mothertucking World’: MARINA, nag-iisang Asian na umabot sa Top 4 sa ‘RuPaul’s Drag Race: UK vs. the World’
- Published on April 3, 2024
- by @peoplesbalita
BIGO na mapanalunan ng Pinay Drag Artist na si Marina Summers ang titulo na Queen of the Mothertucking World sa ‘RuPaul’s Drag Race: UK vs. the World’.
Ang nagwagi ay si Tia Kofi ng UK.
Umabot sa Top 4 si Marina pero napauwi siya nang hindi siya magwagi sa lipsync showdown.
“We might have not liked my ending, but I had the best time with my lovely @dragraceukbbc girls! So so so damn honored to be part of this amazing show!
“Ps. I’ve said this before, and I’m gonna say it again… @rupaulofficial you really want be back don’t ya?!?!” post ni Marina sa social media.
Bago siya mag-sashay away sa Drag Race stage, heto ang sinabi niya kay RuPaul…
“Philippines, Asia, World, thank you so much for giving this little Filipina a BIG chance to win your hearts. This was such a magical run for me and I couldn’t be anymore prouder! I will always and forever be, your Filipina Winnah!”
Si Marina ang nag-iisang Asian contestant sa show at naging frontrunner siya dahil sa pag-showcase niya ng Filipino culture sa competition. Napanalunan niya ang tatlong Ru Badges sa first six episodes.
Naging first runner-up naman si Marina sa first season ng Drag Race Philippines noong 2022.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Ads August 5, 2021
-
After na ma-confirm ang hiwalayang Elijah at Miles: MAVY at KYLINE, bali-balita naman na nag-break na rin
MAGTATAPOS na ang year 2023, pero puno pa rin ang schdules ni Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards. Kailan lamang ay nag-announce na ang GMA Network ng bagong historical drama na “Pulang Araw” na magtatampok sa kanya, kasama sina Sanya Lopez at ang BarDa loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco. […]
-
NTC sa telcos: Tiyakin na agad na makukumpuni ang serbisyo matapos ang Carina, Habagat
INATASAN ng National Telecommunications Commission (NTC) ang telecommunication companies na tiyakin na agad na makukumpuni at maibabalik ang telecommunications services kasunod ng matinding pagkasira bunsod ng matinding hagupit ng bagyong Carina at Southwest Monsoon o Habagat. Tinukoy ng NTC ang isang memorandum na ipinalabas noong Hulyo 22, inatasan ang lahat public telecommunications entities (PTEs) na […]