• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bigtime ‘tulak’, 3 pa kalaboso sa P23.2 milyong shabu sa Caloocan

UMABOT sa mahigit P23 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong drug suspects, kabilang ang isang itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos matimbog ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, Huwebes ng madaling araw.

 

 

 

Matagumpay na naisagawa ang buy bust operation ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles, matapos umanong kumagat sa pakikipag-transaksiyon ang pangunahing suspek na si alyas “Abdul”, 41, (HVI), tubong Marawi City, at residente ng San Jose Del Monte, Bulacan.

 

 

Ayon kay Col. Doles, nakipagkita umano ang suspek sa isang operatiba ng Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na nagpanggap na buyer dakong alas-12:15 ng madaling araw sa King Faisal St, Phase 12, Barangay 188, nang maisara ang kanilang transaksiyon sa pagbili ng shabu na nagkakahalaga ng P26,000.00.

 

Nang tanggapin umano ng suspek ang marked money mula sa pulis na umaktong poseur-buyer kapalit ng ibinebentang shabu, dito na siya dinamba ng mga naka-antabay na tauhan ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables.

 

 

Kasama ring dinakip ng mga operatiba ng SDEU sina Alyas “Oding”, 40, alyas “Vics”, 33, at alyas “Tata”, 39, pawang residente ng Brgy. 188 ng lungsod.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Col. Doles na aabot sa 3,420 gramo ng umano’y shabu na may katumbas na halagang P23,256,000.00 ang nakuha sa mga suspek, pati na ang buy bust money na isang genuine P1,000 at 25-pirasong P1,000 boodle money, bag pack at P1,250 recovered money.

 

 

Ani Lt. Mables, nasampahan nila ng mga kasong paglabag sa Section 5 (selling), 11 (possession) at 26 (conspiracy) sa ilalim ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

 

Pinuri naman ni NPD Director Ligan si Col. Doles at ang kanyang mga tauhan sa kanilang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek dahilan para mapigilan aniya na maipakalat ng mga ito ang naturang mga droga. (Richard Mesa)

Other News
  • ‘BLACKPINK World Tour’ earns rated PG; other films showing this week earn R-13 and R-16 rating

    FILIPINO and foreign fans of the iconic Korean pop girl group “BLACKPINK” will experience fun and thrill anew as the group’s concert has earned a PG (Parental Guidance) rating from the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).         A PG classification advises parents or supervising adults that the film may […]

  • Kasong sedition, conspiracy, pinag-aaralan ng gobyerno vs VP Sara kasunod ng banta kay PBBM

    Ikinu-konsidera na pamahalaan ang pagha-hain ng sedition charges o iba pang mas matinding kaso laban kay Vice President Sara Duterte, kasunod ng pagbabanta nito sa buhay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.       Inihayag ni Justice (DOJ) Undersecretary Jesse Hermogenes Andres na ikinu-konsidera na nila bilang mastermind ng assasination plot sa pangulo, sa […]

  • P50K sahod kada buwan, hirit ng Pinoy nurses

    MULING nanawagan ang grupong Filipino Nurses United (FNU) sa gobyerno na pabutihin ang kundisyon ng mga nurse sa bansa, kabilang ang pagbibigay ng P50,000 basic salary kada buwan, upang mahikayat ang kanilang mga kasamahan na manatili sa Pilipinas.     Sa isang pahayag sinabi ng FNU ang hinihinging ‘entry salary’ na P50,000 sa pampubliko at […]