Bigyan ng break ang ilang mga frontliners
- Published on October 21, 2020
- by @peoplesbalita
IREREKOMENDA ni Chief Implementer Carlito Galvez kay One Hospital Command Head DOH Undersecretary Leopoldo Vega na mabigyan ng bakasyon ang ilang mga frontliners.
Ang hakbang ay bunsod na rin ng hirit ni Presidential Spokes- man Harry Roque sa gitna ng gumagandang estado o utilization rate ng mga health facilities na nasa singkuwenta porsiyento na lamang.
Sinabi ni Sec. Roque na ito ang magandang pagkakataong mabigyan ng break at mabigyan naman ng pahinga ang mga frontliners ngayong nalampasan na at wala na sa kritikal ang care capacity ng mga pagamutan.
“Maraming salamat, Sec. Galvez. Sec. Galvez, siguro po puwede nating irekomenda sa mga ospital na habang nasa 50% lang po ang ating utilization rate ng ating health facilities. baka pupuwedeng pagbakasyunin iyong ilang mga frontliners natin para sa ganoon ay makapagpahinga habang hindi pa po kritikal ang ating critical care capacity,” ayon kay Sec. Roque.
“Opo, gagawin po natin po iyan and we will recommend that to our One Hospital Command, kay Usec. Vega po,” ang tugon naman ni Sec. Galvez.
Nagpasalamat naman si Sec. Roque sa mabilis na pagtugon ni Secretary Galvez sa kanyang suhestiyon na makapag- bakasyon ang ilang health workers at front liners.
Batay sa datos ng IATF, mayroon pang 52% available na ICU beds… 55% available na mga isolation beds habang nasa 57% naman ang availability ng mga ward beds at nasa 73% naman ang available na mga ventilators. (Daris Jose)
-
PDu30, pinuri si Dizon sa pagtatayo ng nat’l sports academy
PINURI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Bases Conversion and Development Authority (BCDA) president at chief executive officer Vivencio Dizon dahil sa nagpapatuloy na konstruksyon ng National Academy of Sports (NAS) sa New Clark City sa Tarlac. Sa kanyang Talk to the People, Miyerkules ng gabi, si Dizon ayon sa Pangulo ay matatandaan ng […]
-
Administrasyon ni PBBM, patuloy na dinaragdagan ang Kadiwa stalls sa iba’t ibang panig ng bansa
PATULOY na dinaragdagan ng administrasyong Marcos ang Kadiwa stalls sa bansa para makatulong sa mga mamimili sa gitna ng tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at tulungan ang lokal at maliit na negosyo. Personal na dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paglulunsad ng Kadiwa ng Pangulo sa Limay, Bataan, araw ng […]
-
STEPHEN CURRY, JOEL EMBIID TINANGALAN NA NBA PLAYERS OF THE WEEK
Hinirang sina Golden State Warriors guard Stephen Curry at Philadelphia 76ers center Joel Embiid bilang NBA Players of the Week para sa Linggo 4. STEPHEN CURRY, GOLDEN STATE WARRIORS Ang dalawang beses na NBA MVP ay isa sa pinakamahusay na pagsisimula sa kanyang karera sa NBA. Pinangunahan niya ang Warriors sa 2-1 record noong […]