• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING, NASABAT SA CLARK

NASABAT ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark Freeport Zone ang isang babae na biktima ng human trafficking na may pekeng pangalan.

 

 

Ang biktima ay pansamantalang hindi pinangalanan aklinsunod sa anti-trafficking laws, ay nagmula sa Cotabato ay tinangkang sumakay sa Qatar Airways flight No. QR 931 sa Clark International Airport at magtratrabahi bilang household service worker (HSW) sa Doha, Qatar.

 

 

Sa ulat nina Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) Officers Johnel Badua at Marc Danes Diego, na ang biktima ay sumailalim sa primary inspection hanggang  secondary inspection pero nahalata ang pabago-bago niyang salaysay kung saan sinabi nitong 27 anyos na siya at mayroon na itong Philippine Overseas Employment Administration-accredited agency bilang isang HSW.

 

 

Pero sa kalaunan ay nabuking din ito hanggang sa aminin nito ang tunay na pangalan at 24-anyos lamang siya.

 

 

“These human traffickers go as far as providing their victims documents that assume the identity of others,” ayon kay BI Commissioner Jaime Morente.  “This has to stop.  They are taking advantage of our kababayan in the midst of a pandemic,” dagdag pa nito.

 

 

Ipinaliwanag ni Morente na ang mga nasabat na biktima ng human trafficking victims ay isinasanguni sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para maibestigahan ang kanilang recruiters at para sila masampahan ng kaso.

 

 

“We pray that cases of these victims push through so that those who victimize the vulnerable will find themselves facing the harshest penalties to finally end this modus,” ayon pa sa BI Chief. (GENE ADSUARA)

Other News
  • DOH NAGBABALA SA W.I.L.D. OUTBREAK

    BINALAAN  ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa posibleng outbreak ng waterborne at foodborne illnesses, influenza-like illnesses, leptospirosis at  dengue (W.I.L.D.) diseases  kasunod ng pananalasa ng nagdaang mga bagyo na nagdulot ng malawakang pagbaha sa ilang lugar sa bansa.   Iginiit din ng DOH ang panawagan nito sa pag-iingat laban sa pagkalat ng […]

  • TIPID TUBIG

    NAGBABALA ang Maynilad at Manila Water sa kanilang customers na magkakaroon ng water interruption sa paparating na mga araw dahil sa pa-tuloy na pagbaba ng tubig sa Angat Dam sa Bulacan at maging sa La Mesa Dam sa Quezon City. Patuloy rin ang pagbaba ng level ng tubig sa Ipo Dam. Kaya ang payo ng […]

  • Olympian Carlo Paalam dinalaw ang kasamahang amateur boxers sa CdeO

    Naglaan ng isang simpleng pagtitipon si 2020 Tokyo Olympics silver medalist Carlo Paalam sa mga boksingero ng Cagayan de Oro City Amateur Boxing Team kung saan siya nagmula.     Ito ang kauna-unahang pagkakataon na muling nakasama ni Paalam ang kanyang mga kapwa boksingero matapos nagwagi sa Tokyo Olympics.     Ikinuwento ni Paalam ang […]