• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BIKTIMA NG ILLEGAL RECRUITMENT, NASABAT SA CLARK AIRPORT

NASABAT ng mga miYembro ng Bureau of Immigration (BI) Travel Control and Enforcement Unit (TCEU)  Clark International Airport ang isang papaalis na  biktima ng isang illegal recruitment na patungo sa Dubai.

 

 

Ang biktima na hindi pinangalanan ay tinangka nitong umallis patungo sa Dubai sakay sana ng  Emirates Airlines  sa pamamagitan ng pagpapakita ng isang Overseas Employment Certificate (OEC) bilang isang Balik Manggagawa, gayunman, nakitaan siya ng kanina-hinala sa kanyang mga dokumento ni  Immigration Officer Vanessa Icban  kaya in-refer nito sa mga miyembro ng BI’s TCEU  para inspeksiyunin at dito nakita na ang biktima ay huling dumating sa bansa noong 2019 at may Dubai work visa.

 

 

Pero noon nagsagawa ng beripikasyon nalaman na ang kanyang work visa ay kanselado na  at nagtataglay ito ng tourist visa.

 

 

Immigration Commissioner Jaime Morente commended the efforts of the Clark immigration officers in intercepting said victim.

 

 

“I know it is a challenge to intercept such cases as they are presenting complete documents and are in the guise of being legitimate OFWs,”  ayon kay BI Commissioner Jaime  Morente.

 

 

“We commend the quick eye of our immigration officers, which allowed them to uncover this modus,” dagdag  pa nito.

 

 

Sa kasalukuyang sistema, ang isang dating OFW na ang visa at kontrata ay napaso na ay bibigyan ng panibagong tourist visa para payagan silang makalabas upang illegal na makapagtrabaho bilang mga turista , gamit ang kanilang luamng OEC.

 

 

“This is an obvious circumvention of the law, and victims are promised that they can depart using their old OECs that are, in fact, invalid already,” ayon  Morente.  “Victims end up working for a different employer, or worse, fly off to a third country like Iraq or Syria,” dagdag pa nito.

 

 

Ang biktima ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Philippine Overseas Employment Administration Labor Assistance Center Pampanga. (GENE ADSUARA)

Other News
  • PBBM, nakipagpulong sa Indonesia para sa security, trade at culture

    UMALIS biyaheng Indonesia si Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr., araw ng Linggo, Setyembre 4, 2022.     Ito ang kauna-unahang foreign trip ni Pangulong Marcos nang maupo siya bilang halal na Pangulo noong Hunyo.     Inaasahan naman na makikipagkita ang Pangulo sa  Filipino community sa kanyang pagdating sa  Indonesian capital.     “This is to […]

  • Pinoy boxer Eumir Marcial, agad pinagbagsak ang Algerian foe sa 1st-rnd, pasok na sa quarterfinals

    Hindi na pinatagal ni Eumir Marcial ang laban at agad na tinapos sa pamamagitan ng technical knockout o referee-stopped-contest (RSC) sa unang round pa lamang sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics.     Sa pagsisimula pa lamang ng laban sa loob ng isang minuto ay pinabagsak ni Marcial si Younes Nemouchi ng Algeria dahilan para bilangan […]

  • Ads October 23, 2020