Bilang bahagi ng ibayong paghahanda sa Bagyong Marce: Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, nasa ‘high alert’
- Published on November 8, 2024
- by @peoplesbalita
INILAGAY ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan sa ‘high alert’ bilang bahagi ng ibayong paghahanda sa Bagyong Marce.
“Salubungin natin ang Bagyong Marce na may ibayong paghahanda, sa abot ng ating makakaya, alinsunod sa mga matagal ng nailatag na mga patnubay sa ganitong hamon,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“Sa mga ahensya ng pamahalaan, you all know the drill. I am placing you all in high alert,” diving pahayag ng Chief Executive.
Sinabi ng Pangulo na dapat na simulan ng lahat sa pagkasa ng isang maayos na sistema ng komunikasyon na mabilis maghahatid ng abiso at impormasyon sa mga mamamayan .
Tandaan aniya na nakabatay ang pagkilos ng mga mamamayan sa mga maagang warnings na ipaaabot ng mga ahensiya.
“Knowledge saves lives,” ayon sa Pangulo.
Kailangan din aniya na siguraduhin ng mga ahensiya ng pamahalaan na nasa nasa ilalim ng 24-hour na pagmamatyag ang lahat ng ilog, lawa, baybayin at anumang lagusan ng tubig.
“Paulit-ulit ko ng sinasabi yan. Hindi ako magsasawang ulit-ulitin yan.Sa mga dams na maapektuhan, ipinauubaya ko sa mga ekspertong kawani ng mga ito na sundin ang nararapat na hakbang batay sa existing protocols kung may nagbabadyang pag-apaw ng tubig,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Kailangan aniya na ikasa na rin ang lahat ng rescue equipment, sa lahat ng antas ng pamahalaan, sa lahat ng ahensya na maaaring mag-ambag ng mga kagamitan, lalo na mga sasakyan.
“Ang mga relief goods ay dapat forward deployed na sa mga ligtas na imbakan upang mabilis silang maipamigay sa mga nasalanta.Sa DPWH at DOTr, naka-standby kayo para sa road clearing operations. Gamitin nyo hindi lang ang inyong mga makinarya, mga truck, kasama rin dapat ang mga pribadong kumpanya na kalahok sa ating Build Better More infrastructure programs,” ang litaniya ng Pangulo.
Samantala, ngayon pa Lang ay pinapasalamatan na ng Pangulo ang lahat ng medical personnel, sa publiko man o pribadong mga pasilidad, na nakaantabay na maglapat ng lunas sa mga nangangailangan.
“Tandaan, ang bawat buhay ay mahalaga. Kaya dapat tayo ay laging handa, laging mag-iingat,” ang sinabi ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)
-
Ni-reveal ang couple tattoo sa kanilang mga kamay: BIANCA, ‘di nakatiis sa pangungulila kay RURU kaya nagpunta rin ng Seoul
HINDI talaga matiis ng dalawang Kapuso actresses ang kanilang mga partners. Ang mga ‘Running Man PH; mates na sina Mikael Daez at Ruru Madrid. Nauna na si Megan Young ilang Linggo lang ang nakalilipas nang surpresahin nito ang asawang si Mikael at ‘di na matiis ang halos isang buwan nilang pagkakahiwalay. Pero […]
-
Ads June 20, 2023
-
‘Cinema Rehiyon 2021’, Hold Free Masterclasses for Aspiring Filmmakers
CINEMA Rehiyon 2021 offers four free masterclasses from the industry experts on screenplay for women and LGBTQIA+ on March 6, documentary filmmaking and experimental cinema on March 13 and 20, respectively. Cinema Rehiyon 2021: Voices From The Margins Festival Director Tito Valiente underscores the importance of masterclasses that address the concerns and issues of […]