• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bilang dating UP Professor: Sec.Roque, binigyan ng 1.5 grado ang administrasyong Duterte

BINIGYAN ni Presidential Spokesperson Harry Roque, dating professor ng UP College of Law ang administrasyong Duterte ng gradong 1.5 “on a scale of one to five” kung saan 1 o uno ang pinakamataas.

 

Ang gobyernong Duterte ay mayroon na lamang 15 buwan bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

“Karamihan po ng barangays, drug free. Hindi pa 100% pero may isang taon pa naman. Iyong corruption, nariyan pa pero andun ang takot sa isip at damdamin ng mga kurakot. Sa mas kumportableng buhay, nariyan ang Build, Build, Build,” ayon kay Sec.Roque.

 

“Halos lahat po ay nagawa na niya. I’ll give it a 1.5. Not 1 which is the perfect but not 2 which is mediocre,” dagdag na pahayag nito.

 

Para kay Sec. Roque, si Pangulong Duterte ay transformational President at isinasantabi ang mga pambabatikos mula sa kanyang mga kritiko.

 

“It is political will, and that is the kind of President we need,” aniya pa rin.

 

Sa ulat, nagulat ang United Nations human rights office (OHCHR), sa pagkasawi ng siyam na aktibista sa Calabarzon matapos ang operasyon doon ng pulisya at militar.

 

Sa isang press briefing sa Geneva, Switzerland kahapon, sinabi rin ni OHCHR Spokesperson Ravina Shamdasani na nakatanggap siya ng impormasyon na bandang 3:15 ng umaga, Linggo, 8 lalaki at 1 babae ang pinaslang sa Batangas, Cavite, Laguna at Rizal habang sinisilbi ng otoridad ang search warrants na inisyu ng dalawang korte sa Maynila.

 

Nababahala aniya sila na ang insidente ay nagpapahiwatig ng papatinding karahasan sa mga tagapagtanggol ng karapatang-pantao.

 

“We are appalled by the apparently arbitrary killing of nine activists in simultaneous police-military operations in Batangas, Cavite, Laguna and Rizal provinces surrounding Metro Manila in the Philippines in the early hours of Sunday morning,” ani Shamdasani, sa ulat ng UN News.

 

“We are deeply worried that these latest killings indicate an escalation in violence, intimidation, harassment and ‘red-tagging’ of human rights defenders,” dagdag niya, habang binabanggit na may mga insidente na kung saan ang mga human rights advocate ay nire-red-tag.

 

Pinunto rin ng OHCHR na nagresulta rin sa pagkamatay ang pagsisilbi ng search warrant sa gabi, kabilang ang 9 Tumandok na sinilbihan ng search warrant sa Panay. (Daris Jose)

Other News
  • Irving nagmatigas, hindi pa magpapabakuna

    NAGMATIGAS ngayon ang NBA superstar na si Kyrie Irving na hindi pa rin nagbabago ang kanyang paninidigan na hindi magpapabakuna.     Ginawa ni Irving ang pahayag kasunod na rin ng report na aabutin ng mahigit sa isang buwan na mawawala ang kanilang main man na si Kevin Durant dahil sa injury.     Sa […]

  • P700K droga nasamsam sa Caloocan buy bust, 2 timbog

    MAHIGIT P.7 milyong halaga ng illegal na droga ang nasamsam sa dalawang hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang High Value Individual (HVI) matapos maaresto ng pulisya sa buy bust operation sa Caloocan City, Linggo ng hapon.       Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas Boboy, […]

  • WATCH THE FIRST TRAILER OF “THE CONJURING: THE DEVIL MADE ME DO IT”

    THE horror returns as Warner Bros. Pictures reveals the official trailer of “The Conjuring: The Devil Made Me Do It,” based on the shocking true story of demonic possession, from the case files of Ed and Lorraine Warren.       Check it out below and watch “The Conjuring: The Devil Made Me Do It” […]