• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bilang dating UP Professor: Sec.Roque, binigyan ng 1.5 grado ang administrasyong Duterte

BINIGYAN ni Presidential Spokesperson Harry Roque, dating professor ng UP College of Law ang administrasyong Duterte ng gradong 1.5 “on a scale of one to five” kung saan 1 o uno ang pinakamataas.

 

Ang gobyernong Duterte ay mayroon na lamang 15 buwan bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

“Karamihan po ng barangays, drug free. Hindi pa 100% pero may isang taon pa naman. Iyong corruption, nariyan pa pero andun ang takot sa isip at damdamin ng mga kurakot. Sa mas kumportableng buhay, nariyan ang Build, Build, Build,” ayon kay Sec.Roque.

 

“Halos lahat po ay nagawa na niya. I’ll give it a 1.5. Not 1 which is the perfect but not 2 which is mediocre,” dagdag na pahayag nito.

 

Para kay Sec. Roque, si Pangulong Duterte ay transformational President at isinasantabi ang mga pambabatikos mula sa kanyang mga kritiko.

 

“It is political will, and that is the kind of President we need,” aniya pa rin.

 

Sa ulat, nagulat ang United Nations human rights office (OHCHR), sa pagkasawi ng siyam na aktibista sa Calabarzon matapos ang operasyon doon ng pulisya at militar.

 

Sa isang press briefing sa Geneva, Switzerland kahapon, sinabi rin ni OHCHR Spokesperson Ravina Shamdasani na nakatanggap siya ng impormasyon na bandang 3:15 ng umaga, Linggo, 8 lalaki at 1 babae ang pinaslang sa Batangas, Cavite, Laguna at Rizal habang sinisilbi ng otoridad ang search warrants na inisyu ng dalawang korte sa Maynila.

 

Nababahala aniya sila na ang insidente ay nagpapahiwatig ng papatinding karahasan sa mga tagapagtanggol ng karapatang-pantao.

 

“We are appalled by the apparently arbitrary killing of nine activists in simultaneous police-military operations in Batangas, Cavite, Laguna and Rizal provinces surrounding Metro Manila in the Philippines in the early hours of Sunday morning,” ani Shamdasani, sa ulat ng UN News.

 

“We are deeply worried that these latest killings indicate an escalation in violence, intimidation, harassment and ‘red-tagging’ of human rights defenders,” dagdag niya, habang binabanggit na may mga insidente na kung saan ang mga human rights advocate ay nire-red-tag.

 

Pinunto rin ng OHCHR na nagresulta rin sa pagkamatay ang pagsisilbi ng search warrant sa gabi, kabilang ang 9 Tumandok na sinilbihan ng search warrant sa Panay. (Daris Jose)

Other News
  • ‘You did a good job: Pdu30, pinasalamatan ang mga Filipino SEA Games participants

    PINURI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga atletang Filipino at mga coaches na nagpartisipa sa 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam mula Mayo 12 hanggang 23.     “The results of the Philippine contingent’s participation in the SEA Games, be it “with or without medals,” ang masayang pahayag ng Pangulo.     […]

  • Malakanyang, nangako sa LGUs na agad na ipamamahagi ang milyong doses ng bakuna kontra Covid-19

    NANGAKO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na agad na ipamamahagi sa local government units ang milyong doses ng COVID-19 vaccines.   Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay sa gitna ng naging panawagan ni vaccines czar Secretary Carlito Galvez ng mataas na demand para sa bakuna sa hanay ng LGUs at sa limitadong ‘shelf […]

  • Luke 6:8

    Give, and you will receive.