Bilang ng mahihirap na pamilya, mahigit sa 43% – Anakpawis
- Published on May 21, 2022
- by @peoplesbalita
POSIBLENG mahigit pa sa 43% o 10.9 milyon pamilyang Pilipino ang mahirap.
Ito ang reaksyon ng Anakpawis Party-list sa lumabas na Social Weather Station (SWS) poverty survey para sa unang bahagi ng taon.
Sa naturang survey na ginawa mula Abril 19 hanggang Abril 27, lumalabas na 43% ng mga Pinoy ang nag-rate sa kanilang sarili bilang “mahirap” habang 34% naman ang naniniwalang sila ay nasa “borderline poor.”
Dalawampu’t tatlong (23%) prosiyento naman ang kinukunsidera nila ang sarili na “not poor,” ayon pa sa survey na ipinalabas nitong Miyerkules.
“Ang kailangan i-note rito ay dahil ‘self-rated.’ Dahil masyadong humble ang mga mahihirap na pamilya, inakala nilang kung may P15,000 sila kada buwan ay hindi na sila mahirap, na sa daily average household income, ito lang ay P500, na malinaw na kulang na kulang para buhayin ang isang pamilya,” ayon kay Ariel Casilao, Anakpawis Party-list National President sa isang press statement.
Lumabas pa sa survey na ang Self-Rated Poverty Threshold ay nasa P12,000- P15,000 kada buwan at ang Self-Rated Poverty Gap ay mula P5,000 hanggang P6,000.
Sinabi ni Casilao na makakatulong ang survey na maipakita ang national poverty situation, ngunit malayo ito kabuuang sitwasyon.
“Mas makikita ang tunay na bilang ng mahirap na pamilya sa Family Income and Expenditure Survey, kung saan 80% o 19.7 milyong pamilya ang nabubuhay lamang sa P1,000 at mas mababa na household income kada araw,” pahayag pa ni Casilao.
Kung Family Living Wage ang ginamit aniya ng SWS ay mas magiging superyor ito, at maaari pa ngang gamitin ito sa mga policy recommendation, laluna ngayong kailangan ng ayuda ng mga mahihirap na pamilya, gayundin ang mga small-and-medium enterprises na tinamaan ng inflation bunsod ng walang katapusang oil price hike.
“Established fact na kasi na napakaraming mahihirap ngayon sa bansa tulak ng krisis pang-ekonomiya, ang kailangan ngayon ng mga maralitang sektor ay mga makabayan o maka-masang survey, study o research na kapaki-pakinabang at magsisilbing batayan ng mga kanilang panawagan para itaas ang sahod, regularisasyon sa trabaho at seguridad sa kabuhayan, at sapat na ayuda,” pagtatapos ni Casilao. (ARA ROMERO)
-
Bulkang Taal, nagkaroon ng phreatomagmatic eruption – Phivolcs
NAKAPAGTALA ng phreatomagmatic eruption ang Phivolcs sa Taal Volcano bandang alas-4:21 nitong Miyerkules ng hapon. Ito ay mas malakas na pagsabog na maaaring maglabas ng malaking volume ng volcanic materials. Inaalam pa ang ibang detalye ng nasabing development. Una rito, limang phreatic eruption events ang Phivolcs sa Taal sa […]
-
Cast and Crew of ’Spider-Man 3’, Pestering Marvel for a Special Screening of ’Black Widow’
ACCORDING to Tom Holland, the cast and crew of Spider-Man: No Way Home is “pestering” Marvel Studios for a special screening of Black Widow. The Scarlet Johansson’s solo film, is the first installment in Phase 4 of the Marvel Cinematic Universe. As filming winds down on the Spider-Man threequel swinging into theaters in December — bringing […]
-
Queen Bees and Wannabes: ‘Mean Girls’ Hits PH Cinemas
Catch the latest buzz as ‘Mean Girls’, a fresh take on high school drama by Tina Fey, debuts in Philippine cinemas on February 7. Join Cady Heron and the iconic Plastics in this must-see comedy. High school is a world of its own, filled with cliques, drama, and unforgettable moments. On February 7, Philippine cinemas […]