• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bilang ng mga mahihirap na pamilya sa bansa, pumalo na sa 4.6-M

DUMAMI pa ang bilang ng mahihirap na pamilyang Pilipino ngayon ayon sa ginawang pagsusuri ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2021.

 

 

Ayon kay Commission on Population and Development (POPCOM) Executive Director, Usec. Juan Antonio Perez III, pumalo sa 600,000 ang bilang ng mga mahihirap na pamilya sa bansa dahilan para pumalo na sa 4.6M ang kabuuang bilang ng mga ito sa Pilipinas.

 

 

Nasa 23% na rin aniya ng kabuuang populasyon ang bilang ng mga Pilipinong nabubuhay below poverty line, mas mataas ito ng 2% kumpara sa naitala ng kagawaran noong taong 2018.

 

 

Paliwanag ni Perez, ang kinaharap na COVID-19 pandemic ng bansa ang pangunahing dahilan nito matapos na maapektuhan ng mga ipinatupad na lockdown ang ekonomiya.

 

 

Dahil dito ay umaabot na raw sa Php 16,000 ang halaga ng poverty threshold sa buong Metro Manila na may katumbas naman na Php 12,000 sa buong bansa.

 

 

Ibig sabihin ay hindi na sasapat ang isang income earner para mabuhay ang isang pamilya.

 

 

Samantala, ibinahagi naman ni Perez ang mga programang patuloy na ilulunsad pa ng POPCOM ngayon sa ilalim ng susunod na administrasyon upang makatulong na maibsan ang kahirapang nararanasan ng ating mga kababayan kabilang na ang patuloy na pagsuporta sa family planning, food security, pabahay, at wage policy. (Daris Jose)

Other News
  • PAGASA aprub suhestyon na isama sa weather update kulay ng damit na isusuot

    SINANG-AYUNAN ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang panawagan ni Sen. Francis ‘Tol’ Tolentino na isama sa ilalabas na weather update kung ano ang kulay ng damit na dapat isuot upang maging angkop sa panahon.     Sa programang SOS ng DZRH, hiniling ni Sen. Tolentino kay Analiza Solis, Chief ng ClimateMonitoring […]

  • Dahil sa special bond na nabuo sa teleserye: SHARON, gustong angkinin at gawin pang-apat na baby girl si JULIA

    MAY special bond na nabuo between Megastar Sharon Cuneta at kay Julia Montes.     Mahigit 12k na ang nag-like sa IG post ni Sharon (@reallysharoncuneta) last Sunday which reads, “This girl. My “Juya.” @montesjulia08 My baby girl. I feel closer to her, sharing secrets, laughing with her, being loved by and loving her. I’ve […]

  • Ads October 11, 2022