Bilang ng mga nasawi sa C-130 ng PAF plane crash sa Sulu, nadagdagan pa!
- Published on July 6, 2021
- by @peoplesbalita
Nasa 31 na katao na ang namatay kung saan 29 ang sundalo at dalawang sibilyan matapos bumagsak ang C-130 aircraft ng Philippine Air Force (PAF) kahapon ng umaga sa Barangay Bangkal, Patikul, Sulu.
Ginagamot naman sa ospital ang 50 pang sundalo at apat na sibilyan habang patuloy ang search and rescue operations sa 17 iba pa.
Sa latest report na ipinadala ng WesMinCom, puspusan ang ginagawang paghahanap ng mga awtoridad upang makita ang mga nawawala pa na kabilang sa 96 na pasahero ng C-130 Hercules. Tatlo rito ang piloto, lima ang crewmen at ang iba ay mga Army personnel.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, karamihan sa mga biktima ay bagong graduate sa basic military course buhat sa Cagayan de Oro at idedeploy na sana sa 11th Infantry Batallion ng Joint Task Force Sulu.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat, galing ang C-130 Hercules na may tail #5125 sa Lumbia Airport sa Cagayan de Oro City at nakatakda sanang mag-landing sa Jolo port sa Sulu dakong alas-11:30 ng umaga subalit hindi nakalapag sa runway.
”Na-miss niya yung runway trying to regain power, at hindi nakayanan bumagsak doon sa may Bangkal,” ani Chief of Staff Cirilito Sobejana.
Samantala, ang dalawang sibilyan na nasawi ay sinasabing nabagsakan ng naputol na bahagi ng C-130.
Agad naman naapula ang apoy at nasagip ang 50 mga pasahero na kasalukuyang ginagamot sa 11ID hospital sa Busbus, Jolo, Sulu.
Dagdag pa ni Sobejana, ginawa naman ng ground commander na si Joint Task Force Sulu Commander Gen. William Gonzales ang lahat kaya mabilis na naapula at nailigtas ang iba pang mga pasahero.
Ani Gonzales, ang mga sundalo ay isasabak sa pagpuksa ng terorismo sa bansa partikular laban sa KFR at Abu Sayyaf Group.
Umaasa sila na makikita pa nila ang kanilang mga kasamahan. (Daris Jose)
-
1 milyong relief items kasado na – DSWD
MAY isang milyong relief items ang inilaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na posibleng tamaan ng papasok na bagyong Mawar. Ito ang iniulat ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa isinagawang inter-agency meeting ng NDRRMC na bahagi ng preparedness measures ng pamahalaan. Ayon kay Gatchalian, bukod […]
-
BBM binati na nina Biden, Xi
NAGKAUSAP at binati na si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos at US President Joe Biden. Kinumpirma ng White House na binati si Marcos ni Biden matapos ang tagumpay sa nakaraang halalan. Nakasaad din sa statement na binanggit ni Biden ang kahalagahan nang pagpapalakas ng alyansa ng Pilipinas at Amerika habang nagtutulungan […]
-
San Miguel Beer liyamado sa 46th PBA Philippine Cup 2021 – Cone
SINIWALAT kamakalawa ni Earl Timothy ‘Tim’ Cone na tuloy na ang pagbabalik-laro para sa Barangay Ginebra San Miguel ni Gregory William ‘Greg’ Slaughter sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup. Gayunman, hinirit ng BGSM coach, na ang San Miguel Beer ang patok sa pagbabalik mula sa injuries nina six-time MVP June […]