• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bilang ng nagugutom sa Pinas, bumaba

DAHIL sa epektibong pagtugon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kahirapan, nagkaroon ng bahagyang pagbaba ang hunger rate sa bansa sa ikatlong bahagi ng taong 2023.

 

 

Batay sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS), lumilitaw na ang bilang ng mga pamilyang Pinoy na nahaharap sa invo­luntary hunger, o yaong nakaramdam ng gutom at walang kahit anong makain ng kahit minsan lang sa isang buwan, ay bumaba ng 9.8% noong Setyembre 2023.

 

 

Ang September 2023 Hunger figure ay mas mababa sa 10.4% na naitala nong Hunyo 2023 at kapareho naman sa 9.8% noong Marso 2023.

 

 

Ayon sa SWS, noong Setyembre 2023, ang kagutuman ay bumaba sa Visayas at ‘Balance Luzon’ o mga lugar sa Luzon na nasa labas ng Metro Manila habang bahagya itong tumaas sa Metro Manila at Mindanao.

 

 

Pinakamataas ang kagutuman na naitala sa Metro Manila, 17.3%; sinundan ng Balance Luzon, 10.3%, at Visayas at Mindanao, 6.7%.

 

 

“The 9.8 percent Hunger rate in September 2023 was the sum of 8.4 percent who experienced Moderate Hunger and 1.3 percent who experienced Severe Hunger,” ayon pa sa SWS.

 

 

Ipinaliwanag ng po­l­lster na ang mga pamil­yang nasa kategoryang “moderate hunger” ay yaong mga nakaranas ng gutom ng ‘minsan’ o ‘ilang ulit’ sa nakalipas na tatlong buwan.

 

 

Ang mga pamilya naman na nakaranas ng matinding gutom o ‘severe hunger’ ay yaong ‘madalas’ o ‘palaging gutom’ sa nakalipas na tatlong buwan.

 

 

Samantala, lumitaw rin sa survey na ang overall hunger rate sa mga taong itinuturing ang kanilang sarili na mahirap, ay nagkaroon ng pagbaba, o mula 10.8% noong Hunyo 2023 ay naging 7.7% noong Setyembre 2023. Nabawasan din ang kagutuman sa mga indibidwal na ikinukonsidera ang kanilang sarili bilang ‘food-poor,’ o mula 9.4% ay naging 7% na lamang sa kahalintulad na panahon.

 

 

Ang naturang survey ay isinagawa ng SWS mula Sept. 28 hanggang Oktubre 1, sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa may 1,200 adults sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at­ ­Mindanao.

Other News
  • ALDEN pangungunahan ang pagbabasa ng mga kabanata sa double book launching ni RICKY LEE

    MAGKAKAROON ng double book launching ng mga bagong libro ni Ricky Lee.     Ang Servando Magdamag At Iba Pang Maiikling Kuwento at ang graphic novel adaptation ni Manix Abrera ng Si Amapola, ngayong darating na Dec 14 (Tue), 5:30pm (ph time) via Zoom.     Makakasama bilang mga tagapagbasa sina John Arcilla, Agot Isidro, […]

  • 100 negosyo package ang inihanda para sa mga kababayan: SAM, sinurpresa ni RHIAN para saksihan ang pamimigay ng bonggang regalo

    NAMIGAY nang 100 negosyo package si Rep. Sam Verzosa sa napili na 100 kata ng “Dear SV” sa kanyang thanksgiving at birthday celebration na ginanap sa MLQU Hidalgo Basketball Covered Court nitong Lunes, September 16.   Bahagi ng pasasalamat ay ang malaking surpresa na bumuluga kay SV at isa na rito ang pagdating ng kanyang […]

  • PISTON pinipilit ang LTFRB na ibasura ang consolidation

    NAG-protesta ang mga miyembro ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) sa labas ng Mababang Kapulungan sa lungsod ng Quezon noong nakaraang Huwebes.       Ang Party list na Makabayan ay naghain ng Resolution 1506 na hinihikayat ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ibasura ang Department Order 2017-011 […]