Bilib kay VP LENI at sa ‘Angat Buhay Lahat’ movement: MONSOUR, nanghihikayat na piliin ang tamang lider na para sa gobyernong tapat
- Published on April 11, 2022
- by @peoplesbalita
ISANG buwan bago ang Pambansang Halalan sa Mayo 9, karamihan sa mga bontanteng Pilipino ay nakapili na ng kanilang ibobotong pangulo at pangalawang pangulo.
Batay naman sa huling survey ng Pulse Asia mula Marso 17 – 21, sina VP Leni Robredo at dating Senador Kiko Pangilinan ay umabante na sa 24% at 15%.
Nagpapatunay lang ito na bagamat nasa 3% pa rin ng mga botante ay nananatiling “undecided” o hindi pa nakapagpasya, ay mas dumarami naman ang mga pumipili sa kandidatong may mahusay na track record at mahusay na plataporma sa pamamahala.
Sa laban naman ng mga Senador, garantisado ang 1Sambayan senatorial block na susuportahan, palalakasin, at ipatutupad nila ang mga layunin ng Leni-Kiko tandem para i-angat ang buhay ng mga Pilipino.
Inihahain ng 1Sambayan ang kanilang alternatibong listahan kumpara sa mga tradisyunal na pulitiko. Pinagsama ng 1Samabayan ang 11 senatorial aspirants na bagamat nagmula sa iba’t ibang pinagmulan at katayuan sa buhay ay may iisang hangarin na pagkaisahin ang bansa.
Kasama sa senatorial slate ang kanilang pang-11 senatorial candidate na si Monsour Del Rosario.
Isang magiting na kakampi at tagapagtanggol ng ordinaryong Pilipino, si Monsour na kilala rin sa showbiz bilang aktor ay nagsilbin sa publiko sa loob ng 6 na taon bilang isang natatanging konsehal, at 3 taon bilang isang masipag na kongresista ng 1st District ng Makati City.
Kilala bilang “Ama ng Work From Home Law” at may-akda/sponsor ng mahigit 292 panukalang batas sa kongreso, layunin ni Del Rosario na ipagpatuloy ang kanyang mabuting gawain sa senado upang matulungan ang mga health frontliners ng bansa, mga atleta, mga batang may iba’t ibang kakayahan sa pag-aaral, magsasaka at mangingisda, at iba pang marginalized na sektor ng lipunan.
Noong Biyernes, Abril 8, pormal na inendorso ng 1Sambayan si Monsour bilang kaalyado ng Gobyernong Tapat.
“Dapat tayo ay magsama-sama at magkaisa para sa ating kinabukasan. Sa darating na eleskyon, wag po natin kalilimutan na meron din po tayong 12 na senador. We have to choose wisely sa mga senador na bibigyan natin ng six years para tulungan si VP Leni.
“We have to be discerning. Binibigyan po kayo ng 1Sambayan ng magandang alternatibo at kasama po rito pang-11 sa aming listahan, isang taong tunay na nagtatrabaho at nagse-serbisyo sa tao, si Monsour Del Rosario,” sabi ni 1Sambayan convenor Atty. Howard Calleja.
Para naman kay Monsour, ang kanyang napipintong pag-upo sa senado ay hindi lamang tagumpay para sa sarili at sa hangarin ng 1Sambayan na maghatid ng gobyernong tapat, kundi tagumpay para sa kinabukasan ng maraming Pilipino.
“When I was competing in taekwondo years ago, I was very proud to bear the flag of our country. That still means the same to me today,” sabi ni Monsour.
“Just as I fought for the country in sports, I will be as fervent and dedicated in this fight for a seat in the senate not for myself, but for the future of our countrymen.”
Diin pa nang tumatakbong Senador, “I reiterate my support for our future president Leni Robredo and the ‘Angat Buhay Lahat’ movement because the Philippines needs a leader that cares for the youth, cares for this country, and cares for the future of our people. “We have to choose the right leader. If we don’t choose the right leader, our problems will never be solved and will only worsen.
“If we don’t choose the right leader, our people will only continue to suffer. Kaya piliin natin ang gobyernong tapat dahil dito aangat ang buhay ng lahat,”
(ROHN ROMULO)
-
Ads May 31, 2022
-
‘Amazing performance’ ni Steph Curry na may 50-pts nagpanalo sa Warriors vs Hawks
Nagbuhos ng 50 points ang NBA superstar na si Stephen Curry upang itumba ng Golden State Warriors ang Atlanta Hawks sa iskor na 127-113. Umabot din sa siyam na three points shots ang naipasok ng two-time MVP at walang sablay sa free throw line. Liban nito nagtala rin si Curry ng […]
-
Liksi at versatility ng Gilas susubukin
Ang versatility at fighting heart ng Gilas Pilipinas ay sinusuri habang nakikipaglaban ito sa Jordan side na nagdadala ng mas laki, lalim at motibasyon sa Huwebes (Biyernes sa Manila) FIBA World Cup Asian Qualifiers fifth window matchup sa Amman. Ang Nationals ay naglalaro sa limitadong oras ng practice na nilimitahan ng tatlong practice bilang […]