Bilis ng transmission ng Lambda variant, masusing pinag-aaralan
- Published on August 19, 2021
- by @peoplesbalita
HANGGANG sa kasalukuyan ay patuloy na pinag-aaralan pa rin ang bilis na makapanghawa ng Lambda variant na nagmula sa bansang Peru at ngayo’y nakapasok na sa Pilipinas.
Ito’y matapos na makapagtala ang Pilipinas ng unang kaso ng COVID-19 Lambda variant, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Phil. Genome Center (PGC) Director for Health program Dra. Eva cutiongco dela paz, na base sa pag-aaral ng mga siyentipiko, hindi pangkaraniwan ang mga mutation ng Lambda variant na dahilan kung bakit mabilis itong makapanghawa gaya ng ibang variant.
Aniya, nakita ang mutation ng variant na ito sa kanyang spike protein na siyang ginagamit para kumapit sa bahagi ng katawan na nais nitong salakayin.
Subalit, nilinaw ni Dela Paz na hindi pa maituturing na variant of concern ang Lambda lalo pa’t wala pa pag-aaral na nagsasabing walo sa sampung indibidwal ang maaari nitong mahawaan.
Kung matatandaan, noong nakalipas lamang na buwan ng hunyo idineklara ng World Health Organization o WHO na variant of interest pa lamang itong Lambda variant. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
PBBM, ikakasa ang malawakang balasahan sa SRA sa gitna ng sugar import mess, ipinaubaya na sa Kongreso ang imbestigasyon
MAGSASAGAWA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng malawakang balasahan sa Sugar Regulatory Administration (SRA) kasunod ng pagbibitiw sa tungkulin ng mga key officials nito dahil sa kontrobersiyal na sugar import resolution. Sinabi ni Pangulong Marcos, pinuno ng Department of Agriculture, na ang nakaambang na reorganisasyon sa ahensiya, may layong i-promote ang paglago ng […]
-
Ads July 21, 2021
-
Ads July 27, 2024