• December 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BILLY, umaming ‘walang tulugan’ sa pag-aalaga sa baby nila ni COLEEN

SA rami ng shows na naging host si Billy Crawford ay malaki raw ang pagkakaiba nitong The Masked Singer dahil pawang performers ang contes- tants na hindi niya kilala, kaya pati siya ay makikihula kung sinu-sino sila at iyon ang magpapa-excite sa kanya.

 

Tsika ni Billy sa ginanap na virtual mediacon ng Philippine adaptation ng reality show ng South Korea, ”I’m most excited to hear their voices and try to guess the same time, pero nae- excite akong tanggalin ‘yung mascara? Alam mo ‘yun para malaman ko na kung sino? Pero kawawala sila kasi sila ‘yung talo kapag tinanggalan ng maskara.”

 

Ano naman ang pagbabago sa TV host sa bago niyang programa ngayon sa TV5.

 

“Well for me, you will find different sneakers every episode and different clothes and apart from that I’ll just be your host but I’m really, really excited,” masayang sagot ni Billy.

 

Nagsimulang mag-taping ng pilot episode ng The Masked Singer nitong Martes at isiningit ang virtual mediacon para makita na rin ng media ang magandang studio ng reality show handog ng Viva Entertainment.

 

Sabi nga ni Billy, Covid-19 pandemic season kaya wala silang studio live audience at sumusunod sila sa health protocols.

 

Samantala, for the nth time ay muling ipinaliwanag ni Billy na kaya niya tinanggap ang programa na ipalalabas sa TV5 dahil nga sarado ang ABS-CBN at kailangan niya ng trabaho ngayong may pamilya na siya.

 

Kumusta naman ang pakiramdam ng first time dad sa panganay nila ni Coleen Garcia-Crawford.

 

“It’s completely different kasi ngayon tinupad ko na pangarap ni Kuya Germs, ‘walang tulugan.’ So, dire-diretso na ako walang tulog.

 

“But apart from that, it’s a blessing. I go to work thinking that I’m working for my son. I’m gonna come back home,” pahayag nito.

 

Dagdag pa, “Pero alam mo ‘yun, it’s worth all the blood sweat and tears you put in your job, sobrang worth it at the end of the day pag nakita mong kumakain ang anak mo, umiiyak, healthy, and alam mo ‘yun ang sarap nung pakiramdam, tanggal yung pagod.”

 

Anyway, magsisimula na ang The Masked Singer sa Oktubre 24, 7PM at mapapanood ito sa TV5, Cignal at Sari-Sari Chan- nel at line produced ng Viva Entertainment.

 

Speaking of Viva Entertainment ay sila ang may pinakamaraming programang ipalalabas sa TV5 base na rin sa mga ipinakitang teaser sa mediacon.

 

At ang mga ito ay ang mga sumusunod:

 

Ghost Adventures na mapapanood tuwing Sabado, simula sa Oktubre 31, pagbibidahan nina Benjie Paras, Empoy Marquez at Kylie Verzosa.

 

Ang Bella Bandida ni Ryza Cenon at Kagat ng Dilim simula sa Nobyembre 23.

 

Mapapanood din ang mga concert na prinodyus ng Viva na mapapanood sa Onstage tulad ng Anne Kapal Forbidden Concert, Revolution: The JaDine Con- cert, The Crew: Billy Craword, Sam Concepcion at James Reid, Playlist, SiKat Ako: Katrina Velarde Concert, Martin & Side A, Martin Nievera 3D, What Love Is? In Motion, The Next One, From The Top, at The Great Unknown. (Reggee Bonoan)

Other News
  • Mga LGU hinikayat na hakutin ang mga mamamayan para mabakunahan

    Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga local government units (LGU) na bigyan ng mga pagkain ang kanilang mga mamamayan na magpapabakuna laban sa COVID-19.     Sa kanyang talk to the people nitong Martes ng gabi sinabi ng pangulo na dapat gumastos na ang LGU dahil kaniya rini itong babayaran.     Umapela rin […]

  • Paris Olympics: South Sudan basketball team, sasabak sa laban kontra NBA superstars

    MULING maghaharap ang Team USA at Team South Sudan sa ilalim ng preliminary elimination sa Paris Olympics 2024.           Maaalalang nagkaharap ang dalawa sa exhibition games bago ang opisyal na pagsisimula ng Olympics kung saan naging pahirapan para sa US na ipanalo ang laban dahil na rin sa magandang depensa at […]

  • Obiena papalitan bilang flag bearer sa Tokyo Games

    Sa inilabas na direktiba ng Tokyo Olympic Games Organizing Committee (TOGOC) ay kailangang nasa Japan na ang mga flag bearers 48 oras bago ang opening ceremonies sa Hulyo 23.     Dahil dito ay inaasa­hang papalitan ng Philippine Olympic Committee (POC) si national pole vaulter Ernest John Obiena bilang isa sa dalawang flag bea­rers ng […]